Ang layunin ng Kumperensiya ay ang mga sumusunod:
- talakayin ang mga isyu ng bata at panitikang pambata na magsusulong ng higit na progresibong kaisipan sa mga estudyante at bata;
- talakayin ang mga usapin sa produksiyon, pagtuturo, at pagsusuri ng panitikang pambata sa panahon ng programang K to 12 at MTB-MLE sa Pilipinas; at
- suriin ang mga anyo at aspekto ng panitikang pambata gaya ng picture book, panulaan, programang pantelebisyon, pagsasalin (translation), muling pagsasalaysay (retelling), at aklat pambata para sa iba’t ibang disiplina.
Inaanyayahan ang mga guro, punongguro, koordineytor, pansangay at panrehiyong superbisor sa Wika at Panitikan, mananaliksik, manunulat, mag-aaral, at iskolar na lumahok sa aktibidad na ito.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
- https://www.affordablecebu.com/Prof. Jayson D. PetrasDirektorPilandokan Inc., (National Research Society for Children’s Literature) Room 3143, Ikatlong PalapagBulwagang Rizal (Faculty Center)UP Diliman, Lungsod QuezonGng. Susan L. AlcantaraTelepono Blg.: (02) 924-4899Mobile Phone Blg.: 0905-355-3882Email Address: pilandokan@gmail.comFacebook Address: Samahang Pilandokan