Ang Pilandokan, Inc., (National Research Society for Children's
Literature) sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and
the Arts (NCCA) at Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng
Pilipinas (UP) ay magdaraos ng Ikatlong Pambansang Kumperensiya at Palihan sa Panitikang Pambata sa Oktubre 14-16, 2011, sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP, Diliman.
Layunin ng kumperensiya ang kritikal na pagtalakay sa mga isyu ng bata at panitikang pambata na magsusulong ng higit na progresibong kaisipan sa mga estudyante at bata sa ating lipunan. Layon ng kumperensiya na talakayin ang mga usapin sa produksiyon, pagtuturo, at pagsusuri ng panitikang pambata sa Pilipinas. Susuriin ang mga anyo at aspekto ng panitikang pambata gaya ng picture book, panulaan, programang pantelebisyon, pagsasalin (translation), muling pagsasalaysay (creative storytelling), at mga usapin sa siyensiya at medisina sa aklat pambata. Ang mga guro, punongguro, koordineytor, pansangay at panrehiyong superbisor ng Panitikan ay inaanyayahang dumalo sa kumperensiyang ito. Maaari ring dumalo ang kaguruan mula sa ibang departamento o disiplina. Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnay o tumawag kina Bb. Susan Alcantara sa mobile phone blg.: 0928-790-8131 o kay Bb. Pauline Hernando sa mobile phone blg.: 0915-6382648 o kaya mag-email sa pagongatmatsing@yahoo.com. Maaari ring bumisita sa facebook: Samahang Pilandokan para sa mga bagong anunsiyo at mga balita. - https://www.affordablecebu.com/
Please support us in writing articles like this by sharing this post
Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.
--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.
"Ikatlong Pambansang Kumperensiya at Palihan sa Panitikang Pambata" was written by Mary under the Events category. It has been read 2722 times and generated 0 comments. The article was created on 31 May 2011 and updated on 31 May 2011.
|