Ang Pambansang Samahan sa Wika, Ink. sa pagtataguyod ng UP Departamento
ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura,
UP Diliman, at sa pakikipagtulungan ng Pambansang Komite sa Wika at
Salin ng Pambansang Komisyon Para sa Kultura at mga Sining ay magdaraos
ng 2011 Pambansang Kumperensiya sa Wika at Panitikan sa Nobyembre 24-26,
2011 sa AVR, Devesse Bldg., Mary Heights Campus, Saint Louis
University, Bakekang, Baguio City.
Ang paksang-diwa ng kumperensiyang ito ay Ang Sitwasyon at Pag-unlad ng Pagtuturo ng Wikang Filipino, Panitikan at Pananaliksik Partikular sa Rehiyong 1-4 at CAR Kaugnay sa Mungkahing Programang K to 12. Ang mga layunin ng kumperensiya ay ang mga sumusunod: - maipakita ang kasalukuyang sitwasyon at pagunlad ng pagtuturo ng wikang Filipino, Panitikan at Pananaliksik sa iba't ibang Rehiyon partikular sa Rehiyon 1-4 at Cordillera Administrative Region (CAR);
- matukoy and magiging papel ng akademya sa kasaysayan at pag-unlad ng Wika at Panitikan ng Pilipinas kaugnay ng pag-iimplementa ng K to 12 sa tinukoy na mga rehiyon;
- pagkilala sa mga estratehiya sa pagtuturo ng wikang Filipino, Panitikan, at Pananaliksik sa iba't ibang rehiyon;
- tukuyin ang naging ambag ng pananaliksik sa wikang Filipino at Panitikan bilang wikang panturo, asignatura, at Wika ng pananaliksik; at
- tukuyin ang mga pagbabago sa kurikulum sa Filipino mula noon hanggang sa kasalukuyan at ang epekto nito sa lalong mataas na edukasyon at sa mungkahing programang K to 12.
Ang mga inaanyayahang dadalo sa kumperensiyang ito ay ang mga tagapangulo at kaguruan sa Departamento ng Filipino ng bawat institusyon mula sa elementarya, hay-iskul at kolehiyo gayundin ang kaguruan mula sa iba't ibang departamento o disiplina. Ang rehistrasyon ng bawat delegado ay Tatlong Libong Piso (PhP3,000.00) para sa pagkain sa tatlong araw, handouts at sertipiko. Mabibigyan ng sampung porsientong (10%) diskuwento ang sinumang makakapagrehistro o makakapagbayad hanggang o bago dumating and Oktubre 31, 2011. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Gng. Susan Luistro-Alcantara, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, 2nd Flr., Bulwagang Rizal, College of Arts and Letters, UP Diliman, Quezon City o tumawag sa telepono big.: (02) 924-4899/981-8500 lokal 2123 o sa mobile phone big.: 0928-790-8131. - https://www.affordablecebu.com/
Please support us in writing articles like this by sharing this post
Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.
--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.
"2011 Pambansang Kumperensiya Sa Wika at Panitikan" was written by Mary under the Literature category. It has been read 4749 times and generated 1 comments. The article was created on 26 August 2011 and updated on 26 August 2011.
|