Ito'y isang palatandaan na meron kang magandang pakikitungo sa iba.
Nakalulugod tingnan kung ugali mo ang pagsasalita ng may kagalangan.
Upang lalong magtumibay at mapalaganap ang ugaling pagsasalita ng may kagalangan, halina't gumawa tayo ng maraming mga slogan tungkol sa magagalang na pananalita.
Mga Slogan Tungkol sa Magagalang na Pananalita
- "Po" at "Opo" Wag Kalimutan Lalo na sa Nakakatanda, Upang Lalong Gumanda Ang ating Pakikipagkapwa!
- Magalang na Pananalita Ugaliin, Pagmamahal sa Kapwa'y Laging Isipin!
- Buhay Mo'y Paunlarin, Magagalang na Pananalita Ugaliin!
- Ang Batang Magalang, Iniidolo ng Bayan!
- Ang Batang Magalang, Magandang Modelo ng Karamihan!
- Ang Batang Magalang, Nakalaa'y Magandang Kinabukasan!
- Ang Batang Magalang, Kagalakan ng Magulang!
- Paunlarin ang Pakikipagkapwa, Gumamit ng Magagalang na Pananalita!
- Kung Paano Ka Ginagalang ng Iba, Gayundin Gagalangin Ka Nila!
- Kay Gandang Makita, Batang May Magalang na Pananalita!
- Ang Batang Magalang, Mahal ng Bayan!
- Kung Anong Kagalangan Ang Iyong Pinapakita sa Iba, Gayundin Kagalang Ang Ipapakita Nila Sa Iyo!
- Ang Kapwa'y Salamin, Magagalang na Pananalita'y Pairalin!
- Kagalanggalang na Bata, Mahal ni Mama at Papa!
- Batang Magalang, Sa Kaarawan Reregaluhan! (hehe)
- Batang Magalang, Masunurin sa Magulang!
- "Dito ilalagay ang iyong sariling slogan" - dito naman ilalagay ang iyong pangalan
Ilalagay namin ang iyong sariling slogan sa listahan sa itaas kasama ang iyong pangalan. - https://www.affordablecebu.com/