May batas tungkol sa illegal na pangingisda pero hindi pa rin sinusunod.
Kaya naaapektuhan tuloy ang mga isda at mga nabubuhay sa karagatan.
Upang pa-igtingin ang kahalagahan ng pag-aalaga sa mga yamang-dagat tulad ng mga isda, narito ang mga slogan tungkol sa kung paano maiiwasan ang illegal na pangingisda (illegal fishing).
Mga Slogan tungkol sa Illegal Fishing (Illegal na Pangingisda)
- Yamang ng Karagatan, Kayamanang Dapat Ingatan
- Pinagbabawal na pangingisda, Wag Gawin baka buhay mo agawin.
- Karagatan pangalagaan, Sa kapakanan ng ating kabataan.
- Karagatan wag abusuhin, Sapagkat ito'y pinagkukunan ng ating pagkain.
- Batas ng Illegal fishing sundin, Upang dumami pa ang mga isdang kakainin.
- Mangingisda na matitigas ang ulo, Kahahantungan ay preso.
- Mangingisda na abusado, ang hantungan ay preso.
- Ang tunay na mangingisda, inaalagaan ang pinagkaloob sa kanya ng Lumikha.
- Ating pagyamanin, ang mga yamang-dagat na pinagkaloob sa atin.
- Mga batas sa pangingisda, isapuso, isaisip at isadiwa.
- Maraming buhay ang mamamatay, kapag pinagbabawal na pangingisda ang iyong ginagawa.
- "Dito ilalagay ang iyong slogan" - dito naman ang iyong pangalan.
Ipost mo lang sa comment sa ibaba. Isasama namin ang mga ito sa listahan sa itaas kasama ang iyong pangalan.
Meron ka bang gustong ipagawa na ibang slogan? Sabihin mo lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/