Home » Articles » Literature

Ano ang epekto ng labis na alak sa katawan

Ano ang epekto ng labis na alak sa katawan
"Ang pag-inom ng labis na alak ay nagsasanhi ng masama  at negatibong epekto sa katawan.Ang alak ay isang drug dahil ito ay itinuturing depressants na syang nagpapabagal ng vital functions sa katawan na kung saan nagreresulta ito sa slurred speech, unsteady movement, disturbed perceptions at pagkabagal ng reaksyon ng katawan sa mga bagay at sitwasyon.Katulad ng ibang mga drugs, ang alak ay maaari ring abusuhin. Ang labis na pag-inom at pagdepende sa alak ay tinatawag na alcoholism na kung saan maaari itong makaapekto sa personal na buhay ng indibidwal tulad na lamang ng finances, trabaho, pamilya, at lalong-lalo na sa kalusugan. Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization noong 2014, ang harmful na paggamit ng alak ay nagresulta sa pagkamatay ng 3.3 million na tao globally. Ano-ano pa nga ba ang mga iba pang epekto ng labis na alak sa katawan?

Excretory SystemResponsable ang excretory system sa pagtanggal ng mga waste products tulad ng alkohol sa ating katawan at ang liver ang isa sa importanteng organ na matatagpuan dito. Ang pag break down ng harmful substances – kasama rito ang alak – ay ang trabaho ng liver. Ang labis na alak ay maaaring magresulta sa mga liver disease o sakit sa atay na maaaring makasira sa liver. Ang chronic liver inflammation ay maaari ding magresulta sa lubhang pagsusugat ng liver na tinatawag na cirrhosis.Ang pagkakaroon ng severe liver disease ay nagreresulta sa hepatic encephalopathy na kung saan nagkakaroon ng pagbaba sa brain function at personality changes ang sinomang mayroon nito. Hindi matanggal ng liver ang mga toxins sa dugo na nagsasanhi ng pagkaipon ng toxins at pagresulta sa brain damage.Circulatory SystemHindi lamang sakit sa atay ang makukuha sa labis na alak sa katawan kundi pati din ang puso. Ang alcoholism ay nakakaambag sa mga komplikasyon ng circulatory system tulad ng mga sumusunod:Pagkalason ng heart muscle cells o cardiomyopathyIrregular heartbeat o arrhythmiaHigh blood pressureStrokeHeart attackHeart failure<img decoding=""async"" src=""https://lh4.googleusercontent.com/wm71sAk6NUSdIBT9wOPHbdEdZuM6gxYohTfAAweZr5thrULsl6bvbChCWlb54ujWNaG11ZHI_-iI6IfeisipgjJSslYIbGqkgYwmHU3KQoU2zLgi2CbSKgoVSDnz7aQ2MhrF8ph0"" alt=""wm71sAk6NUSdIBT9wOPHbdEdZuM6gxYohTfAAweZr5thrULsl6bvbChCWlb54ujWNaG11ZHI iI6IfeisipgjJSslYIbGqkgYwmHU3KQoU2zLgi2CbSKgoVSDnz7aQ2MhrF8ph0"" title=""Ano ang epekto ng labis na alak sa katawan - Gabay.ph""> Photo Courtesy of Unsplash via PexelsSexual at Reproductive HealthAng erectile dysfunction ang pinakacommon na side effect ng alcoholism sa mga lalaki. Pinipigil rin nito ang hormone production, nakakaapekto sa testicular function, at maaaring magsanhi ng infertility o pagkabaog.Ang pagkawala ng menstruation at infertility naman ang epekto ng labis na alak para sa mga kababaihan. Malaki ang posibilidad na magkaroon ng breast cancer, makunan, manganak ng maaga, at stillbirth ang mga kababaihang dumedepende ng malaki sa alak. 

Skeletal at Muscle SystemAng epekto ng long-term alcohol use ay nagsasanhi ng pagkahirap sa katawan na gumawa ng mga paniobagong buto. Ang alak ay pinapataas ang risk ng pagkakaroon ng osteoporosis o pagnipis ng buto at bone fractures. Mas prone din ang muscles sa pagkahina, cramps,at atrophy. Immune SystemAng immune system na pinapahina ng alcohol abuse ay pinapahirap ang paglaban ng katawan sa mga germs, viruses at iba pang mga uri ng sakit. Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng pneumonia o tubercolosis kumpara sa iba ang mga heavy drinkers. Ilan pa sa mga sakit na maaaring makuha sa labis na alak sa katawan ay ang:AnemiaCancer – partikular sa bibig, espohagus, throat, liver, at breastDementiaDepressionJaundice na sanhi ng alcoholic hepatitis <img decoding=""async"" src=""https://lh4.googleusercontent.com/bVoyPzbPz9R02hb2W-18y8qePKWhMklzqGgC4wn18uSzoX-pJzTIVP5ho4G7A5F6arWfaHJrdWUUzf2LBcIFQcmIuWDwFJJz68V6gtY943tD8-ryFyKLFysk0BKyGg__1T_bMzVp"" alt=""bVoyPzbPz9R02hb2W 18y8qePKWhMklzqGgC4wn18uSzoX pJzTIVP5ho4G7A5F6arWfaHJrdWUUzf2LBcIFQcmIuWDwFJJz68V6gtY943tD8 ryFyKLFysk0BKyGg 1T bMzVp"" title=""Ano ang epekto ng labis na alak sa katawan - Gabay.ph""> Photo Courtesy of Unsplash via PexelsIba-iba ang maaaring maging epekto ng pag-inom ng alak sa tao – depende sa edad, kasarian, specific medical problems, at family history ng indibidwal – ngunit may mga pag-aaral na nagsasabi na ang moderate alcohol consumption ay maaaring makatulong sa pag reduce ng risk, pagdevelop at pagkamatay mula sa heart disease, ischemic stroke, at diabetes.Hindi lahat ay maaaring mag benefit mula sa moderate consumption ng alak kaya naman ay nirerekomenda ng mga eksperto na kung maaari ay umiwas sa pag-inom ng mga alak upang maiwasan ang mga sakit na maaaring makuha dito. Sources:

https://www.niaaa.nih.gov/alcohol-health/alcohols-effects-bodyhttp://www.webmd.com/mental-health/addiction/features/12-health-risks-of-chronic-heavy-drinkinghttp://www.drugfreeworld.org/drugfacts/alcohol.htmlhttp://www.webmd.com/cancer/features/faq-alcohol-and-your-health#1http://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/alcohol/art-20044551http://apps.who.int/iris/bitstream/10665/112736/1/9789240692763_eng.pdfhttp://www.healthline.com/health/alcohol/effects-on-bodyWhat’s your Reaction?+1 0+1 0+1 0+1 1+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ano ang epekto ng labis na alak sa katawan" was written by Mary under the Literature category. It has been read 463 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 30 January 2023.
Total comments : 1
Raflto [Entry]

where can i buy lipitor <a href="https://lipiws.top/">atorvastatin 10mg us</a> buy lipitor