Home » Articles » Literature

Sanaysay Tungkol sa Paghinto sa Pag-inom ng Alak

Narito ang isang sanaysay tungkol sa paghinto sa pag-inom ng alak na sinulat ng di kilalang manunulat:
Sanaysay Tungkol sa Paghinto sa Pag-inom ng Alak
 

Nasa sa Iyong Mga Kamay ang Pagbabago

Isang madaling pangyayari ang pumasok sa anumang uri ng addiction, ngunit mahirap na sitwasyon ang paglabas sa ganitong uri ng kondisyon.

Ang paghinto sa pag-inom ng alak ay isang mahirap na gawain.

Kaya nga naiisip ko na ang mga taong nakakalabas sa ganitong uri ng bisyo ay maituturing na isang tunay na mandirigma.

Ngayon, kung isa ka sa mga taong nagnanais na makahanap ng mga paraan upang malunasan mo ang iyong sariling bisyo, mangyaring ipagpatuloy ang pagbabasa sa sanaysay na ito.

Ang mga gawaing narito, na maituturing na simple at payak, ay maaaring makatulong sa iyo o sa isang taong malapit sa iyo upang makapagsimula na makamuhay ng normal na hindi alipin ng alak o anumang uri ng inuming nakalalasing.

Hindi nga madali ngunit maaaring sa simula lamang.

Kapag naipagpatuloy mo at nakalampas ka na sa mas mahirap na antas ng mga paraang ito, nakatitiyak ka na madali na lamang ang mga susunod na gawain.

Huwag kang sumuko.

Maaaring ang kinabukasan mo at ng iyong pamilya ay nakasalalay sa iyong mga desisyon.

Ang desisyon na huminto na sa pag-inom ng alak ay isang mabuting desisyon na siyang magiging daan mo sa tagumpay at pagkaroon ng katuparan ng iyong mga pangarap.

Subukang alamin ang mga sakit na maaaring maidulot ng labis na pag-inom sa iyo.

Tuklasin ang lahat ng mga negatibong pangyayari sa iyong buhay at ang mga problemang kaakibat nito.

Isipin ang mga bagay na sumira sa iyong relasyon sa pamilya at mga kaibigan.

Alalahanin ang mga aspetong hindi sana mangyayari kung hindi ka naglasing at hindi mo inabuso ang alak.

Kung malalaman mo ang mga bagay na negatibo tungkol sa alcohol at ang mga masasamang epekto ng labis na pagkonsumo dito, nakatitiyak akong makakapagdesisyon ka na upang itigil ang ganitong uri ng bisyo.

Kailangan mong unawain at alamin ang lahat ng mga masasamang epekto nito sa buhay mo at sa mga mahal mo sa buhay gaya ng iyong pamilya.

Sa ganitong paraan, malalaman mo ang halaga ng iyong pagbabago.

Mauunawaan mo rin nang lubusan kung bakit kailangan mo nang ihinto ang pag-inom.

Makikita mo nang malinaw ang halaga ng iyong pagtigil sa pag-inom at ang mga bagay na maiiwasan mo kapag naging nabago mo ang iyong buhay.

Mahalaga na malaman mo na ang mga bagay na ito upang maging madali sa iyo ang pag-unawa na kailangang at dapat kang magbago sa panahon ngayon.

Nasa sa iyong mga kamay ang ikapagbabago ng kalidad ng iyong buhay at pagkatao.

Nasa sa iyong mga kamay nakasalalay ang ikabubuti ng iyong personalidad at hindi mo dapat na sinasayang lamang. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Sanaysay Tungkol sa Paghinto sa Pag-inom ng Alak" was written by Mary under the Literature category. It has been read 5243 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 17 December 2017.
Total comments : 1
Apnwrr [Entry]

lipitor 80mg generic <a href="https://lipiws.top/">atorvastatin 10mg without prescription</a> purchase lipitor for sale