Home » Articles » Literature

Sanaysay Tungkol sa Masamang Epekto ng El Niño

Narito ang isang sanaysay tungkol sa masamang epekto o ibubunga ng El Niño:

Noong nakaraang buwan, naiulat ang marahas na kinahantungan sa pagitan ng mga magsasaka at mga opisyal sa Munisipyo ng Kidapawan kung saan hindi sumang-ayon ang grupo ng mga magsasaka sa pagsasawalang bahala ng munisipyo sa kalagayan ng kanilang mga sakahan na tuyong-tuyong na dahil sa El Niño.
Masamang Epekto ng El Niño

Sa pagsapit ng taong 2016, nagpahayag na ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) nang paghagupit ng El Niño sa bansa simula Marso hanggang Setyembre sa taong ito.

Ang El Niño ay isang natural na phenomena kung saan ang mga lugar na apektado nito ay maaaring dumanas ng matinding tag-init at maalinsangang panahon sa loob ng ilang buwan.

Anu-ano ba ang mga masamang epekto ng El Niño sa tao?

Tunay na nakababahala ang pinsala na naidudulot ng El Niño kapag tumama ito sa isang lugar.

Natutuyo ang mga palayan at sakahan at naaapektuhan din ang mga yamang dagat sa maalinsangang init at walang ulan sa loob ng ilang buwan.

Kapag ito ay nangyari, apektado rin ang produksyon ng pananim at gulayan ng mga may-ari nito dahil sa pagkatuyo o pagkatigang ng lupa.

Sa mga palaisdaan naman ay humihina ang paglaki ng mga isda at apektado rin ang bilang ng mga itlog na naipoprodyus nito.

Maliban pa riyan ay hindi rin dapat ipagsawalang-bahala ang peligrong dala ng maalinsangang init sa katawan.

Dapat mag-ingat sa mga nakamamatay na sakit tulad ng heat stroke, dehydration at skin diseases tulad ng bungang araw.

Hindi man maiiwasan ang El Niño, kailangan pa ring maghanda sa maaaring epekto nito katulad ng pag-inom ng walo hanggang sampung basong tubig sa isang araw.

Iwasan din ang pagbibilad sa araw upang di madehydrate o mahilo.

Iminumungkahi ng Department of Health (DOH) ang paglalaro ng mga indoor recreational activities sa halip na gumala ukpang maiwasan ang pagkahilo at pagkasunog ng balat

Mas maiging ingatan rin ang kalusugan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo ng katawan, pagkain ng masustansiyang pagkain at sapat na tubig na iinumin sa loob ng isang araw. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Sanaysay Tungkol sa Masamang Epekto ng El Niño" was written by Mary under the Literature category. It has been read 10333 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 10 December 2017.
Total comments : 0