Ano ba ang dengue? Anong pinsala ang dulot nito sa tao at anu-ano ang mga hakbang upang maiwasan ito o maibsan ang mga kaso ng mga namamatay dahil sa dengue?
Ang dengue fever ay isang kondisyon na dulot ng mga kagat ng lamok na nagdadala ng dengue virus.
Matatagpuan ang mga lamok na ito gaya ng Aedeaegypt sa mga bansang tropical.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services (PAG-ASA), papalapit na ang tag-ulan tiyak na mapupuno na naman ng tubig ang mga bote at lata, tinapyas na gulong ng sasakyan, mga paso ng halaman at marami pang iba na paboritong tirahan ng mga lamok na nagdadala ng dengue virus.
Ang mga pangunahing sintomas ng dengue fever ay mataas na lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kasu-kasuan, at "rashes" na magkasintulad ng tigdas.
Ang malalang uri ng dengue fever, ang hemorrhagic fever, nagdudulot ng pagdudugo sa iba't-ibang bahagi ng katawan.
Nakamamatay ang dengue kapag ito ay lumalala.
Madaling nakikilala ang lamot na ito pagkat ito ay may mga puting batik-batik sa buong katawan nito at kadalasan sa araw nangangagat.
Sa kasalukuyang, wala pang nakikitang gamot na pamuksa sa dengue virus pero may mga paraan na ginawa ng pamahalaan upang mabawasan ang populasyon ng mga lamok na may dengue virus.
Isa sa mga ginawang hakbang ay ang paggamit ng mosquito traps na unang sinubukan sa Bukidnon at karatig bayan noong 2010 at napatunayang nababawasan ang kaso ng mga namamatay dahil sa dengue.
Sa ngayong, patuloy na naghahanda ang pamahalaan para sa nakamamatay na sakit na ito at para hindi ito lumaganap nang lubusan
Ipagpatuloy ang kampanya laban sa nakamamatay na dengue at mag-eksperimento pa.
Sapagkat ito lang ang makakaya natin para masugpo ang sakit na ito. Kung hindi ito maaagapan, paano na kaya ang ating kinabukasan? - https://www.affordablecebu.com/