Home » Articles » Literature

Sanaysay Tungkol Sa Alak (Uring Pananaliksik)

Narito ang isang sanaysay tungkol sa  alak (nasa uring pananaliksik) na sinulat ng isang di kilalang manunulat:
Sanaysay tungkol sa Alak


Mga Dahilan Kung Bakit Nalululong ang Tao sa Alak

Ang alak o ang pag-inom nito nang labis ang isa sa mga itinuturing na pinakapalasak na uri ng addiction sa ating lipunan ngayon.

Kasunod sa pagkakalulong ng maraming indibidwal sa mga ipinagbabawal na gamot, ang alak ang sumunod na dahilan kung bakit tila isang sakit na dumadapo sa mga matatanda, maging sa mga kabataan, ang malakas na pagkahaling dito. 

Ayon sa mga pag-aaral na ginawa ng mga doktor, ang alak, bagaman alam ng marami ang masasamang epekto, ay patuloy pa ring tinatangkilik ng mga Filipino sa kasalukuyan.

Ito ay paulit-ulit na inaabuso at walang patumanggang ginagamit nang labis sa nararapat.

Sa ganitong sitwasyon, maraming tao ang nahuhumaling dito, dahilan upang lalo pang dumami ang mga masasamang epekto naibubungang nito sa kalusugan, buhay at pagkatao ng isang nilalang.

Maraming dahilan kung bakit nahuhumaling ang isang tao sa alak o alcohol.

Ang mga inuming nakalalasing ay palasak na naibebenta at legal na nabibili kahit na saan ka man magpunta.

At dahil legal ito sa ating sosyedad, ito ay kadalasang nagiging sentro ng mga pagdiriwang o anumang pagpupulong, malaki man o maliit, sa ating bansa.

Bata man o matanda, madalas itong ginagawang libangan at ginagamit upang mas maging masaya ang anumang pagtitipon.

Isa rin sa dahilan ng pagkakalulong ng isang tao sa alcohol ay ang pagiging legal nito sa kanyang paligid.

Malaya itong nakikita at nai-po-promote sa radio at telebisyon maging sa mga babasahin.

Naipadadala nito ang mensaheng ayos lamang ang uminom nito at isinasaisantabi na ang mga masasamang elektong naidudulot nito sa isang tao. 

At dahil malayang maibebenta at mabibili kahit na saang lupalop ng mundo, malaya rin itong mabibili ng mga kabataan lalo na sa kanilang estado ng pagiging kuryosidad.

At mamamalayan na lamang, dahil sa patuloy na pag-inom at pag-abuso nito, isa nang ganap na addiction ang kanyang nakagawian. 

Ang pamilya ay isa ring dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema.

Ang mga miyembro ng pamilya na halos ay walang pakialam sa kanilang mga kasama ay siyang nagbubunga ng pagkawalang bahala ng mga taong umaabuso nito.

Maaaring maraming pampamilyang suliranin ang isang tao kung kaya naman ibinabaling na lamang niya ang kanyang atensyon sa pag-inom ng alak upang malimot ang kaniyang mga problema sa pamilya. 

Marapat lamang na bigyan ng pansin ang anumang problema tungkol sa alcohol.

Ang mga maliliit na bagay na maaaring magdulot na mas malalaking problema sa hinaharap ay kailangan mabigyan kaagad ng sapat na solusyon upang hindi na lumawak.

Kailangan ang isang malawak na pananaliksik tungkol sa bagay na ito.

Makatutulong ang pagbabasa ng mga sanaysay tungkol sa mga kabataang nalululong sa alak (drinking problems of youth).

Magiging mas madali ang pagsugpo sa maliliit na problema kaysa sa hayaan na lamang itong lumaki at lumalala. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Sanaysay Tungkol Sa Alak (Uring Pananaliksik)" was written by Mary under the Literature category. It has been read 7969 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 16 December 2017.
Total comments : 0