Napapaligiran tayo ng mga bakterya at mikrobyo na nagkalat sa paligid natin.
Nakakatakot ang peligrong dala-dala ng mga mumunting mikro-organismo na ito na nagpapahina sa immune system at nagdadala ng mga nakamamatay na sakit.
Isa sa mga maaaring paraan na mahawa ang sakit na dulot ng bakterya ay ang physical contact lalo na ang hand contact.
Ang kamay ang isa sa mga pinaka-importante at pinaka-gamitin na parte ng katawan ng tao.
Ginagamit ang kamay sa halos lahat ng pang-araw-araw nga gawain ng tao. Nai-expose ito sa iba't ibang mga gamit na dahilan upang ituring itong pinakamaruming bahagi ng katawan.
Sa simpleng paghawak sa maruruming bagay ay maaaring makuha ang bakterya at germs na maaring magdulot ng impeksyon kaya naman ang paghuhugas ng kamay ay napakahalaga.
Ayon sa Department of Health (DOH), dapat hugasan ang kamay bago at pagkatapos kumain, matapos gumamit ng palikuran, at bago matulog.
Mula sa isang pag-aaral, ang simpleng paghuhugas ng kamay na may kasamang anti-bacterial soap ay nagpapababa hanggang 60% tsansya na matamaan ng influenza, sipon, lagnat, sore throat at iba pang karamdamang dala ng bacteria at virus.
Maituturing man na hindi-gaanong mahalagang gawi at kadalasang nakalilimutan, malaki pa rin ang pakinabang na nakukuha mula sa paghuhugas ng kamay.
Nakatutulong ito na mapanatiling malusog at matiwasay ang pamumuhay.
Simple lang at hindi naman magastos ang paghuhugas ng kamay kaya marapat lamang na sanayin ang sarili nito. - https://www.affordablecebu.com/