Home » Articles » Spiritual / Religion

Mga Pambungad na Panalangin sa Pagsamba

Upang lalong maging kabuluhan at karapat-dapat ang ating pagsamba sa Diyos, kailangan nakahanda ang bawat isa.

Ang puso at kaisapan ay dapat malinis at walang ibang iniisip kung ang kanyang pagsamba sa Diyos.

Isang paraan ng paghahanda sa pagsamba upang maging karapat-dapat sa harap ng Diyos, ay ang pananalangin.

Narito ang mga halimbawa ng mga magandang pambungad na panalangin sa pagsamba.
 

Pambungad na panalangin sa pagsamba


Pambungad na Panalangin sa Pagsamba (Panalangin bago magsimula ang pagsamba)

Halimbawa 1


Panginoon po naming Diyos
Salamat po nang napakarami
Tinipon mo po kami sa dakong ito (bahay sambahan o banal na dako)
Upang gawin ang aming tungkulin
Na sumamba at magpuri sa iyong banal na pangalan

Salamat...buhay pa kami at may lakas
Dahil ito sa iyong awa at pagmamahal sa amin
Sa dami ng tao sa paligid na napapahamak.
Nililigtas mo po kami sa panganib at sakuna
Mahal na mahal niyo po kami

Tanggapin mo po ang aming buong pusong pasasalamat
Pinupuri at sinasamba namin ang iyong banal na pangalan
Ama, kaawaan mo po kaming lahat ngayon
Naghihirap ang mundo ngayon
Halos ang iba walang makain

Ama, Ama, magparamdaman ka sa amin ngayon
Kailangan namin ang iyong pagmamahal
Yakapin mo ang iyong mga hinirang
Yakapin mo ang iyong mga anak
Wala po kaming magagawa sa aming sarili

Sana sa oras na ito, puspusin mo kami ng maraming pagpapala
Ibigay sa bawat isa sa amin ang saganang biyaya
Hindi naman kami magdadamot sa inyo
Ibibigay din namin ang mga biyayang ito sa paglilingkod namin sa inyo
Karamihan sa amin mahihirap lang ang mga pamilya
Sana Ama, kaawaan mo kami
Na patagusin ang saganang pagpapala sa aming mga tahanan

Ama, Ama, maaawa ka.
Sa pagsambang ito, magpaparamdam ka sa amin
Ikaw ang aming tanging lakas
Ikaw ang aming buhay

Anuman ang aming mga kasalanan
Patawarin niyo po sana

Sa pagtanggap namin ng iyong mg aral ngayon,
Ihahanda po namin ang aming mga sarili
Susundin po namin ang mga ito nang buong puso.

Ingatan mo po kami sa buong panahon ng aming pagsamba ngayon
Hinihiling po namin ang lahat
Sa pangalan ni Hesus, na aming dakilang Tagapagligtas

Amen...
 

Halimbawa 2

Panginoong po naming Diyos
Salamat po nang marami sa Iyo
Hinatid niyo po kami sa dakong ito
Ligtas sa anumang uri ng panganib
Hanggang ngayon nanatili ang aming hiram na buhay at lakas
Dahil ito sa iyong awa at pagmamahal sa amin

Ama, tanggapin Niyo po ang aming taos-pusong pasasalamat sa Iyo
Sinasamba at pinupuri namin ang Iyong banal na pangalan.
Narito kami ngayon mag-aaral ng iyong mga banal na salita
Gawin mo kaming karapat-dapat sa aming pagsamba ngayon
Linisin mo po sana ang karumihan ng aming puso at kaisipan
Patawarin mo po kami sa aming mga kasalanan.

Buksan mo po ang aming damdamin
Na maging handa sa pagtanggap ng iyong mga banal na salita
Hindi lamang nawa namin marining ang iyong mga salita
Kundi higit sa lahat ito'y susundin namin sa aming mga buhay

Alam mo naman ngayon Ama,
Marami ang nagdaranas ng paghihirap sa mundo
Wag mo po kaming hahayaan
Maawa ka po sa amin na iyong mga anak
Maanong ibuhos mo po ang iyong saganang biyaya at pagpapala sa aming mga tahanan
Upang may magamit kami hindi lamang sa aming araw-araw na pangangailangan
Higit sa lahat sa aming mga paglilingkod sa Iyong banal na pangalan.

Umaasa kaming lahat
Dininig mo po ang aming panalangin
Sasamahan mo kami sa aming pagsamba ngayon
Nakahanda na ang iyong mga anak
Hinihiling po namin ang lahat ng ito
Sa ngalan ni Hesus na aming Tagapagligtas

Amen...
 

Meron ka bang gustong ipagawa na ibang panalangin? Sabihin mo lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Mga Pambungad na Panalangin sa Pagsamba" was written by Mary under the Spiritual / Religion category. It has been read 41835 times and generated 6 comments. The article was created on and updated on 22 February 2021.
Total comments : 6
Orktob [Entry]

lipitor ca <a href="https://lipiws.top/">order generic atorvastatin 80mg</a> buy lipitor 40mg generic
jamie [Entry]

Panalangin sa panata
LIEZEL STA. MARIA [Entry]

A C T S PRAYER TAGALOG
NELIA ABELLA [Entry]

Tagalog na panalangin sa pagsamba sabay ang pagdiriwang ng anibersaryo ng simbahan
NELIA ABELLA [Entry]

Panalangin sa pagdiriwang ng anibersaryo ng isang Kristiyanong simbahan
marco bernaldez [Entry]

panalangin po para sa pagsambahayan salamat po godbless