At isang paraan ng paghahanda ng bawat isa ay ang pananalangin bago magsimula ang klase upang ang magkaroon ng patnubay ng Diyos ang gagawing pag-aaral, mailigtas sa anumang kapahamakan ang buong klase sa silid-aralan, lalong maintindhan ang ituturo at hindi magiging sayang ang oras ng gagawing pag-aaral.
Sa madaling sabi, ay upang lalong maging kabuluhan sa paningin ng Diyos ang gagawing pag-aaral.
Narito ang isang maikling panalangin bago magsimula ang klase.
Maikling Panalangin sa Klase (bago magsimula ang klase)
Panginoon po naming Diyos,
Salamat po ng napakarami,
Dahil ligtas mo po kaming tinipon sa dakong ito
Upang makapag-aral po kami ngayon.
Sana linisin mo po anuman ang nakita mong hindi mabuti sa aming mga puso.
Patawarin mo po kami sa aming mga kasalanan.
Ihanda mo ang aming pag-iisip sa pagtanggap ng mga karunungan
Upang lalo naming maunawaan ang ituturo sa amin ngayon
Lalo mo pong tulungan ang aming mahal na guro
Pagpalain mo po siya sa kanyang walang sawang pagmamalasakit sa amin
Magiging masaya nawa siya sa kanyang pagtuturo
At kami naman ay handang makinig sa kanyang ituturo
Ingatan mo po kaming lahat sa buong panahon ng pag-aaral
Sa inyo po lahat ng kapurihan
Hinihingi po namin ang lahat ng ito
Sa pangalan ni Hesus na aming Dakilang Tapapagligtas.
Amen...
Meron ka bang gustong ipagawa na ibang klase ng pananalangin? Sabihin mo lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/