Pwede itong gawin bago kumain sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Tandaan, dapat linisin mo muna ang iyong puso at isip upang maging karapat-dapat sa pakikipag-usap sa Diyos para sa kaarawan ng bata.
Nawa'y pagpalain ka ng ating Panginoong Diyos.
Panalangin para sa Kaarawan ng Bata
Panginoong po naming DiyosSalamat po nang marami sa panibagong araw na pinagkaloob mo sa amin
Lalo na po sa iyong anak na nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa araw na ito.
Salamat, salamat Ama, Ikaw pa rin ang patuloy na nagbantay at nag-iingat sa kanya
Sinasamba at pinupuri namin ang Iyong banal na pangalan.
Hinihiling namin sa Iyo oh Ama, sana basbasan mo po at pagpalain
ang batang ito.
Na lalo pang dumami ang kaarawan na darating sa kanyang buhay
Ilayo mo po siya sa anumang mabibigat na karamdaman
Iligtas sa anumang uri ng kapahamakan o sakuna.
Gayundin pagpalain mo rin po ng kanyang ama at ina
Magsisilbi nawa silang magandang halimbawa sa kanilang anak
At patagusin mo ang saganang biyaya at pagpapala sa kanilang tahanan.
At ipangangako naman nila.
Hindi sila lalayo sa pagsunod sa iyong banal na kalooban
At patuloy na lalapit sila sa iyo sa hirap at ginhawa.
Narito ang mga pagkain nakahanda ngayon.
Nawa basbasan mo po ito ng iyong mapagpalang kamay
Gayundin pagpalain mo ang mga naghanda ng mga pagkaing ito
Gawaran mo po ng kapayapaan at kasiyahan ang gagawing naming pagdiriwang
Hinihiling po namin ang lahat
Sa pangalan ni Hesus na aming Dakilang Tagapagligtas.
Amen...
Meron ka pa bang gustong ipagawa na ibang klase ng panalangin?
Sabihin mo lang sa comment sa ibaba. Handa ka naming gawan ng panalangin. - https://www.affordablecebu.com/