Maaari itong gamitin ng mga guro sa kanilang klase o sa kanilang online class.
Tandaan na dapat linisin mo muna ang dumi sa iyong puso at kaisipan bago manalangin upang maging karapat-dapat ang iyong pakikipag-usap sa Diyos.
Pagpalain ka nawa ng ating Panginoong Diyos.
Pambungad na Panalangin (DepEd)
Panginoong po naming DiyosSalamat po sa panibagong araw na pinagkaloob mo samin
Hanggang ngayon nanatili ang aming buhay at lakas
Na siyang gagamitin namin sa pagtupad ng aming tungkulin bilang guro (tagapagturo).
Marapat ka lamang purihin at sambahin ang iyong napakadakilang pangalan.
Sa pagkakataong ito mag-aaral po kami ng mga bagong kaalaman
Puspusin mo po ng karunungan ang mga mag-aaral ngayon.
Bigyan mo ng talas ng isip
Upang madaling maunawaan ang anumang ituturo sa kanila.
Sa kabilang dako, pagpalain mo rin ang mga magulang ng mga mag-aaral
Alam mo namang puno ng paghihirap ang mundo ngayon.
Nagmamakaawa kami sa Iyo.
Patagusin mo ang saganang biyaya at pagpapala sa bawat tahanan ng iyong mga mag-aaral
Upang may magamit kami sa aming araw-araw na pamumuhay lalo na po sa aming mga paglilingkod sa Iyo.
Umaasa kami dininig mo ang aming panalangin.
Hinihiling po namin ang lahat ng ito.
Sa ngalang ni Hesus na aming Dakilang Tagapagligtas.
Amen.
Meron ka pa bang ibang panalangin na gustong ipagawa? Sabihin mo lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/