Pwede itong gawin ng guro o tagapagturo sa kanyang online class.
Tandaan na sa pananalangin ay dapat nakahanda nang lubos ang iyong puso't damdamin upang maging karapat-dapat ka sa iyong pakikipag-usap sa Diyos.
Pagpalain ka nawa ng ating Panginoong Diyos!
Panimulang Panalangin sa Klase (para sa Guro)
Panginoon po namin DiyosSalamat po sa pag-iingat niyo sa amin
Hanggang ngayon buhay pa kami at malakas
Dahil ito sa awa at pag-ibig mo sa amin
Marapat ka lamang sambahin at purihin ang iyong banal na pangalan.
Mag-aaral po kami ng mga kaalaman
Na siyang magiging pundasyon sa aming kinabukasan
Bigyan mo po ng talas ng pag-iisip ang iyong mga mag-aaral ngayon
Puspusin mo sila ng katalinuhan at higit sa lahat ng pusong masunurin sa iyong banal na kalooban.
Ama, naghihirap ang mundo ngayon.
Patagusin mo ang iyong saganang biyaya at pagpapala sa bawat tahanan ng iyong mga mag-aaral
Gagamitin naman ito sa paglilingkod sa iyong banal na pangalan.
Umaasa kami dininig mo ang aming panalangin
Nakahanda na ang iyong mga mag-aaral na tumanggap ng mga kaalaman.
Sa pangalan ni Hesus na aming Dakilang Tagapagligtas.
Amen...
Meron ka bang ibang gustong ipagawa na panalangin? Sabihin mo lang sa comment sa ibaba.
- https://www.affordablecebu.com/