Ang lalong nagpapatatag ng pagkakaisa ng isang organisasyon o samahan ay ang panalangin.
Narito ang halimbawa ng maikling panalangin pagkatapos ng isang meeting:
Maikling Panalangin Pagkatapos ng Meeting (Halimbawa 1)
Panginoon po naming DiyosAnuman ang pinagkasunduan namin ngayon
Tulungan mo po na magawa ng bawat isa sa amin
Lalo mo pong pagtibayin ang aming pagkakaisa
At gayundin ang pagmamalasakit ng bawat isa.
Ingatan mo po kami sa aming paghiwa-hiwalay
Patnubayan mo po kami hanggang sa aming mga tahanan
Hinihiling po namin ang lahat ng ito
Sa pangalan ni Hesus, na aming Tagapagligtas.
Amen...
Maikling Panalangin Pagkatapos ng Meeting (Halimbawa 2)
Panginoon po naming Diyos,Maraming salamat po sa patnubay sa amin sa buong panahon ng aming pagpupulong
Napakaraming bagay ang aming pinag-usapan
Anuman ang aming narinig
Tumagos nawa hindi lamang sa aming pandinig
Kundi pati na sa aming mga puso.
Na handa naming gagawin ang lahat
Sa ikatatagumpay ng aming mga layunin
At lahat naman ng kapurihan
Ay para po sa iyong banal na pangalan
Kailangan namin ang iyong patnubay
Ingatan mo kami sa aming paghiwa-hiwalay
Lahat ng ito magalang naming hinihiling
Sa ngalan ni Hesus na aming Tagapagligtas
Amen...
Meron ka pa bang gustong ipagawa na panalangin? Sabihin mo ang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/