Ang layunin ng kumperensiyang ito ay ang mga sumusunod:
- matalakay ang K to 12 Basic Education Program bilang bagong pinaiiral na sistema ng edukasyon sa Pilipinas;
- matalakay ang kalagayan at hamon sa wikang Filipino sa pinaiiral ngayong pagbabago sa sistema ng edukasyon dahil sa K to 12 Basic Education Program;
- maitatag ang mga problema at hamon sa mga guro sa Filipino sa pinaiiral na bagong sistema ng edukasyon;
- mabigyan ng diin ang papel ng wikang Filipino sa K to 12 Basic Education Program ;
- makapagpanukala ng reporma sa pagtuturo ng Filipino;
- matalakay ang mga hamon sa produksiyon ng bagong materyales pang-edukasyon; at
- matalakay ang mga bagong salita na umiiral ngayon sa korpus ng wikang Filipino at/o ng mga bagong pakahulugan sa dati nang salita na nasa diksiyonaryo sa pamamagitan ng patimpalak na Sawikaan.
Ang tagapangulo at miyembro ng kaguruan ng Kagawaran ng Filipino sa bawat paaralan ay inaanyayahang dumalo sa kumperensiyang ito. Maaari ding dumalo ang mga iskolar, mag-aaral ng wika, araling Filipino, lingguwistika, leksikograpiya, antropolohiya, at mga kaugnay na disiplina sa lahat ng antas ng pag-aaral.
Ipadala ang inyong reserbasyon sa o bago ang petsang Setyembre 14, 2012. Para sa karagdagang impormasyon, maaring makipag-ugnayan kay:
- https://www.affordablecebu.com/G. Romulo P. Baquiran Jr.Pangulo ng Filipinas Institute of Translation (FIT)Rm. 2082, 2nd Floor, Faculty Center, College of Arts and Letters University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City 1101 Telepono Blg.: (02) 547-1860Telefax Blg.: (02) 981-8500 lokal 2252Mobile Phone Blg.: 0923-7395-248E-mail Addresses: fitsawikaan2012@gmail.com / filipinas.translation@gmail.com