- tipunin ang iba’t ibang edukador, institusyon at taong tuwiran at di tuwirang tumutulong sa pag-aangat ng istatus ng Filipino bilang wikang global;
- makapagtalakayan tungkol sa mga pandaigdigang kalakaran sa pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang wika;
- matuklasan ang mga bagong pananaliksik sa ibang kaugnay na larangan gaya ng literatura, kasaysayan, sosyolohiya, pilosopiya, media at araling kultural;
- malaman ang mga bagong tunguhin ng Filipino bilang wika sa pamahalaan, edukasyon at iba pang larangan sa Pilipinas;
- mabigyan ng di tuwirang imersiyon sa araling Filipino ang mga Pilipino¬Amerikano na isinilang at/o lumaki sa Estados Unidos upang makatulong sa paghahanap nila ng sariling identidad; at
- makabuo ng pandaigdigang network para sa pagtuturo ng wikang Filipino.
Ang bayad sa rehistrasyon ay Pitong Libong Piso (PhP7,000.00) para sa gastusin sa tanghalian (3), meryenda (6), lugar na pagdarausan, seminar kit, onoraryum ng mga tagapanayam, at iba pang kaugnay na gastos. Lahat ng magpaparehistro at magbabayad hanggang Abril 30, 2012 ay may diskwentong sampung porsyento (10%).
Para sa reserbasyon at sa mga gustong tumigil sa hotel/dormitoryo, makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
Prof. Emma O. Sison DLSU-College of St. Benilde, Taft Ave., Manila Telephone No.: (02)881-2573 Cellphone No.: 0917-8961993 | Dr. Teresa F. Fortunato DLSU-Manila, Taft Ave., Manila Telephone No.: (02) 524-4611 local 552 Cellphone No.: 09163782823 |
Dr. Aurora E. Batnag Email Address: au@batnag.org Telephone No.: (02) 921-0193 Cellphone No.: 09192877816 | Prof. Santiago Flora, Jr. Quezon City Polytechnic University Telephone No.: (02) 514-3520 Cellphone No.: 09228162676 Email Address: tiagz@yahoo.com |