Home » Articles » Events

Ikalawang Pambansang Seminar sa Larangan ng Wika at Pampelikula

Ang Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) ay magdaraos ng Ikalawang Pambansang Seminar sa Larangan ng Wika at Pampelikula na may temang Ang Wikang Filipino, Pelikula at Midya sa Larangang Akademiko: Isang Gampanin ng Guro at Midya Kurikulum sa "K to 12”, Estratehiya at Metodolohiya sa darating na Abril 26-27, 2013 sa The National Teachers College (NTC), Lungsod ng Maynila.
Layunin ng Seminar na ito na:
  1. mapataas ang kamalayan ng mga gurong nagtuturo ng wika at panitikang Filipino sa paglinang ng kamalayang Pilipino sa mga lokal na pelikula;
  2. mabigyan ng malawak na kabatiran ang mga delegado sa mga napapanahong isyu sa kurikulum ng "K to 12”; at
  3. mailahad ang mga kaukulang teorya-metodo at teknik sa paggamit ng pelikula bilang mabisang alternatibo sa pagtuturo ng panitikan at wika.
Ang lahat ng mga tagapangasiwa ng paaralan at mga guro sa elementarya, sekundarya at tersyarya sa pampubliko at pampribado ay inaanyayahang dumalo sa gawaing ito.

Ang patakaran sa partisipasyon ng mga guro at mag-aaral sa pampubliko at pampribadong paaralan ay naaayon sa no-disruption-of-classes policy na nasasaad sa DepEd Order No. 9, s. 2005 na may pamagat na Instituting Measures to Increase Engaged Time-on-Task and Ensuring Compliance Therewith.

Ang mga karagdagang impormasyon ay maaaring makuha sa mga sumusunod:

Dr. Emmanuel Gonzales
Far Eastern University (FEU) – Manila
Tagapangulo ng Lupong Tagapag-ingat, PASADO
Pampelikulang Seminar sa Larangan ng Wika at Pampelikula
Mobile Phone Blg.: 0917-353-0594

Prop. Clara G. San Pedro
La Consolacion College - Caloocan Pangulo ng Pamunuan, PASADO
Mobile Phone Blg.: 0919-283-7125
x Prop. Maria Elma B. Cordero
The National Teachers College (NTC) – Manila
Tagasuri ng Pamunuan, PASADO at Direktor ng Seminar 2013
Mobile Phone Blg.: 0927-822-8606
- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ikalawang Pambansang Seminar sa Larangan ng Wika at Pampelikula" was written by Mary under the Events category. It has been read 2309 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 07 March 2013.
Total comments : 1
Vifkry [Entry]

atorvastatin 80mg oral <a href="https://lipiws.top/">buy atorvastatin 10mg pill</a> lipitor uk