Ang Seksyon ng Filipino ng Departamento ng mga Wika at Literatura ng
University of San Carlos ay magdaraos ng taunang Pambansang Seminar sa
Filipino na may paksang " Ang Nagpapatuloy na Inobasyon at Hamon sa
Pagtuturo ng Filipino,” sa Pebrero 16-18, 2012 sa Cebu Business Hotel,
F&C Square, Colon corner Junquera Street, Cebu City.
Pagkatapos ng tatlong araw na seminar, inaasahan ang bawat kalahok ay: - lalong mapahusay ang kakayahan sa inobatibong pagtuturo gamit ang mga napapanahong estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng wika at panitikan;
- higit na mapataas ang antas ng kaalaman sa napapanahong kalakaran ukol sa Kurikulum ng Filipino;
- lalong malinang ang kasanayan sa paghahanda ng mga material na panturo na may integrasyon sa teknolohiya, kompyuter at multimedia; at
- higit na mapaunlad ang kaalaman sa pagbuo at paggawa ng eksaminasyon na nagsasaalang-alang sa kakayahan ng mga estudyante.
Inaayayahang dumalo sa seminar na ito ang lahat ng mga guro, tagamasid, tagapag-ugnay at tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng lahat ng antas ng edukasyon sa mga institusyong publiko at pribado. Ang butaw o bayad sa rehistrasyon ay Dalawang Libo at Walong Daang Piso (PhP2,800.00) na gugugulin sa anim (6) na meryenda, tatlong (3) tanghalian, seminar kit, handouts, lugar na pagdarausan at iba pang gastusin kaugnay ng seminar. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan o tumawag sa mga sumusunod: - Prof. Roderick C. Villaflor, Direktor, Pambansang Seminar 2012 | Mobile Phone Blg.: 09 17-730-8593
- Prof. Charlotte R. Lisondra, Fakulti, USC-DOLL | Mobile Phone Blg.: 0922-876-1317
- Gng. Lota Espinosa, Kalihim, USC-DOLL | Telepono Blg.: (032) 230-0100 local 306
- https://www.affordablecebu.com/
Please support us in writing articles like this by sharing this post
Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.
--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.
"Pambansang Seminar sa Filipino" was written by Mary under the Events category. It has been read 3243 times and generated 1 comments. The article was created on 07 December 2011 and updated on 07 December 2011.
|