Home » Articles » Schools / Universities

Pambansang Seminar-Worksyap ng Sanggunian sa Filipino (SANGFIL)

Ang Sanggunian sa Filipino (SANGFIL), na binubuo ng Departamento ng Filipino ng iba’t ibang kolehiyo’t unibersidad sa pagtataguyod ng Komisyon ng Lalong Mataas na Edukasyon ay magdaraos ng Pambansang Seminar-Worksyap na may paksang Pambansang Seminar- Works yap sa Paghahanda ng Kagamitang Panturo Para sa Batayang Edukasyon na May Tuon sa Grado 11 at 12 sa Oktubre 21-22, 2013 sa University Conference Center, Arts Building, Ground Floor ng Far Eastern University, Sampaloc, Manila.
Ang layunin ng Seminar-Worksyap ay ang mga sumusunod:
  1. makapaghanda ng mga kagamitang panturo para sa binagong batayang edukasyon para sa mga guro ng sekundarya at kolehiyo;
  2. makapagmungkahi ng mga bagong stratehiya sa pagtuturo kaugnay ng mga pagbabago sa kurikulum ng sekundarya at kolehiyo;
  3. makapagtatag ng mga bagong salin at aralin kaugnay ng rehiyonal na panitikan
  4. magpakilala ng mga bagong konsepto/kagamitan kaugnay ng paggamit ng midya at teknolohiya sa pagtuturo; at
  5. maghain ng gabay sa paglinang at paggamit ng pinakabagong ortograpiya ng wikang pambansa.
Ang tagapangulo at miyembro ng kaguruan mula sa elementarya, sekundarya, at tersarya sa Filipino ng bawat kolehiyo at unibersidad ang dapat dumalo sa seminar-worksyap na ito.

Ang patakaran sa partisipasyon ng mga guro at mag-aaral na mula sa pampubliko at pampribadong paaralan ay naaayon sa no-disruption-of-classes policy na nasasaad sa DepEd Order No. 9, s. 2005 na may pamagat na Instituting Measures to Increase Engaged Time-on-Task and Ensuring Compliance Therewith.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay:

Dr. Jimmuel C. Naval
Direktor ng Seminar-Worksyap
Sanggunian sa Filipino (SANGFIL)
c/o Departamento ng Filipino
De La Salle University
Taft Avenue, Manila
Telefax Blg.: (02) 524-4611 lokal 509 and 552
- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Pambansang Seminar-Worksyap ng Sanggunian sa Filipino (SANGFIL)" was written by Mary under the Schools / Universities category. It has been read 3712 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 12 September 2013.
Total comments : 1
Ymzsgy [Entry]

atorvastatin order <a href="https://lipiws.top/">buy lipitor 20mg pills</a> lipitor 40mg us