Home » Articles » Events

Pambansang Seminar-Gawaing Kapulungan sa Filipino

Ang Trends & Techniques Resource Center and Training Services, sa pakikipag-ugnayan sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), at sa mga Panrehiyong Sentro sa Wikang Filipino (PSWF) ng bawat rehiyon ay nakatakdang magdaos ng Serye ng mga Pambansang Seminar-Gawaing Kapulungan sa Filipino sa iba’t ibang mga Panrehiyong Sentro sa Wikang Filipino sa buong kapuluan na may temang "Pagpapaunlad ng Kamalayan at Kasanayan sa Paghahanda ng Pananaliksik at mga Kagamitang Panturo sa Wika at Panitikan Salig sa K to 12 Kurikulum” sa mga petsa at dako na gaya ng mga sumusunod:
PetsaRehiyonDako
Agosto 10-12, 2012Region 1 - Ilocos Norte/Sur; Pangasinan; Bengue; BaguioMMSU
Agosto 17-19Region 9 - Dapitan; Zamboanga CityJRMSU; WMSU; ZCSMST
Agosto 20-22Region 7 - Cebu City
Agosto 27-29Region 3 - Malolos, BulacanBSU
Agosto 31 - Setyember 2Region 8 - Bobon; Northern Samar; Catbalogan; Catarman; TaclobanSSU; SNHS; UEP; LNU
Setyember 7-9Region 2 - Batanes; Isabela; TuguegaraoBSU; ISU; CSU
Setyember 14-16Region 3 - Baler; Aurora
Setyembre 21-23Caraga - ButuanCSU

Region 10 - Malaybalay Bukidnon
Setyember 28-30Region 11 - Davao CityUSEP; DOSCST

ARMM - Marawi City; Jolo; SuluMSU; SSC
Oktubre 5-7Region 3 - Olongapo; Tarlac
Oktubre 12-14Region 5 - Legazpi; Camarines SurBU; CBSUA
Oktubre 19-21National Capital Region (NCR)
Oktubre 26-18Region 4-A - CALABARZON
Disyembre 7-9Region 6 - La Paz, IloiloWVSU

Ang layunin ng pagtatanghal ng dulang Katutubong Kwento na ito ay ang mga sumusunod:
  1. mapaunlad at maiangkop ang kasanayan at estratehiya ng mga guro sa pagtuturo ng wika at panitikan nang naaayon sa makabagong K to 12 Kurikulum;
  2. makapaglinang at makapaghanda ng pananaliksik at mga kagamitang panturo salig sa umiiral na K to 12 Kurikulum;
  3. mapataas ang antas ng kalidad sa pagkatuto ng Filipino; at
  4. maitampok ang malikhaing pagsulat at ang sining pantanghalan at teatro bilang lunsaran ng pagtuturo ng panitikan.
Ang mga dadalo sa kapulungang ito ay ang mga kinatawan sa tanggapan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), mga pansangay na tagamasid sa Filipino, mga punongguro o sinumang hihiranging kinatawan sa elementarya, sekundarya at tersyarya (universidad/kolehiyo) na pampubliko at pampribado, mga guro ng K to 12 Kurikulum, mga miyembro ng iba’t ibang samahang pangwika at pang-edukasyon, mga gurong nagtuturo ng Filipino at ng mga asignaturang ang wikang panturo ay Filipino.
Para sa iba pang impormasyon, tumawag o makipag-ugnayan sa mga sumusunod:

G. Robinson K. Cedre
Direktor ng Seminar
Trends & Techniques Resource Center and Training Services
Mobile Phone Blg.: 0929-871-3379
E-mail Address: trends_techniques@yahoo.com / cedre_r@yahoo.com

Dr. Carmelita Abdurahman
Komisyoner
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
Mobile Phone Blg.: 0908-137-1502
- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Pambansang Seminar-Gawaing Kapulungan sa Filipino" was written by Mary under the Events category. It has been read 3794 times and generated 2 comments. The article was created on and updated on 25 July 2012.
Total comments : 2
Fovlut [Entry]

buy generic lipitor <a href="https://lipiws.top/">order lipitor 40mg</a> buy atorvastatin 40mg without prescription
Ma. Lourdes G. Doctor [Entry]

Malugod ko pong ipinababatid na ako'y lubos na nagagalak sa pagkakabukas sa inyong pahina at napag-alaman ko ang paseminar na aking hinahanap na aking nakita sa isang sipi ng programa. Nais ko pong humiling kung maaari ay padalhan po ako ng sipi ng memo ng seminar ninyo sa Filipino pati na ang may kaugnayan sa Journalism.
Maraming salamat po.