Ang Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ng Mindanao State
University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT), Iligan City, ay
magdaraos ng Pambansang Seminar sa Filipino na may temang " Learning and
Understanding by Design at Tha Pa: Mga Pagdulog sa Pagtuturo ng Wika at
Panitikan sa Filipino" sa Nobyembre 17-19, 2011 sa MSU-IIT Mini Theater.
Ang layuning panlahat ng seminar ay maibahagi ang L/UbD at iba pang mga
napapanahong pagdulog sa pagtuturo ng Filipino at panitikan sa mga
dadalong delegado. Ang mga inaanyayahang dadalo ay mga titser, superbisor, instraktor, propesor, at mag-aaral sa Filipino. Ang butaw ay Tatlong Libong Fiso (PhP3,000.00) para sa rehistrasyon, seminar kit, mga sertipiko at handawt, tatlong (3) pananghalian at limang (5) isnak. Ang pagsama sa lakbay-dalaw sa Ma. Cristina Falls, Macaraeg-Macapagal Ancestral House, Iligan City Hall, Iligan Nature's Park, at iba pa ay opsyonal at may karagdagang Dalawang Daang Piso (PhP200.00) para sa transportasyon at isnak. Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan kay Dr. Marie Joy D. Banawa, Tserman, Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika, CASS, MSU-IIT, Iligan City, sa pamamagitan ng sulat o e-mail: joybanawa@yahoo.com; sa telepono blg.: (063) 223-1924; (063) 225-0090 (sa gabi lamang) o selfon big.: 0917-726-6155 at 0922-884-6979. - https://www.affordablecebu.com/
Please support us in writing articles like this by sharing this post
Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.
--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.
"Pambansang Seminar sa Filipino" was written by Mary under the Literature category. It has been read 3480 times and generated 1 comments. The article was created on 29 August 2011 and updated on 29 August 2011.
|