Layunin ng Seminar-Worksyap na ito ang mga sumusunod:
- tipunin ang iba’t ibang tagapagtaguyod ng wikang Filipino sa iba’t ibang antas ng edukasyon sa bansa upang bigyang-pansin ang mga papel na ginampanan ng wikang Filpino sa pag-unlad ng bansa kasabay ng intelektwalisasyon at globalisasyon;
- ipabatid ang tungkulin ng asignatura at wikang Filipino sa responsableng pagtamo ng kalayaang pang-akademiko (academic freedom);
- talakayin ang iba’t ibang pagdulog sa pagtuturong pagpapahalaga ng panitikan at pagpapabayong sa panitikan ng Mindanao;
- ipakilala ang mga simulain ng edukasyong pangkapayapaan (peace education) at mga pamamaraan ng pagsanib ng usaping pangkapayapaan sa pagtuturo ng Filipino; at
- itampok ang probinsya ng Sulu bilang salig sa kaunlaran ng bansa lalo na sa usaping akademiko at pangkapayaan.
Ang mga inaasahang dadalo sa seminar-worksyap na ito ay mga panrehiyon at pansangay na superbisor sa Filipino, mga tagapangulo o tagapag-ugnay ng asignaturang Filipino, at mga guro sa lahat ng antas ng pampamahalaan at pribadong paaralan.
Para sa karagdagang impormasyon, ang mga dadalo ay maaaring makipag-ugnay sa mga sumusunod:
Dr. Parcasia M. Chiong
Pansangay na Direktor
Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino - ARMM
Sulu State College
Mobile Phone No.: 0926-288-6885
Hji. Mohammad Amin A. Aukasa
Pandistritong Superbisor
Distrito ng Banguingui (Tongkil)
DepEd ARMM, Sulu II
Mobile Phone No.: 0926-242-8552
E-mail Address: hji.mohammadaminaukasa