Ang Pambansang Samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod ng Filipino
(PASATAF) ay magdaraos ng Ika-40 Pambansang Gawaing Kapulungan sa
Filipino na may paksang " Ang Bagong Karapatan, Kaalaman, Karunungan ng
Guro sa Dekada: Susi sa Kalidad ng Edukasyon” na gaganapin sa Punta
Villa Resort, Lungsod ng Iloilo sa Abril 26-29, 2012.
Ang layunin ng gawaing kapulungan ay ang mga sumusunod: - maiangkop ang kasanayan ng mga guro sa pagtuturo ng wikang Filipino;
- matalakay ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo upang makabuo ng mga kagamitang pampagtuturo;
- ang antas ng kalidad sa pagkatuto ng Filipino na magbubunga sa pagpapayabong sa larangan ng Filipino; at
- magkaroon ng ganap na kamalayan at impormasyon sa karapatan, pribilihiyo at impormasyon sa pagreretiro.
Ang mga dadalo sa kapulungang ito ay mga pambansang pamunuan at lupon ng mga director ng PASATAF, mga kinatawan ng kawanihan sa tanggapang sentral ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education Skills Development Authority (TESDA), at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), mga pansangay na tagamasid sa Filipino, mga punongguro o sinumang hihiranging kinatawan sa elementarya, sekundarya, tersyarya at unibersidad/kolehiyo na pampubliko at pribado, mga dati nang kasapi ng PASATAF, mga miyembro ng iba’t ibang samahang pangwika at pang¬edukasyon, mga gurong nagtuturo ng Filipino at ng mga asignaturang ang wikang panturo ay Filipino. Ang lahat ng dadalo ay magbabayad ng Tatlong Libo at Tatlong Daang Piso (PhP3,300.00) para sa rehistrasyon sa regular na kasapi na gugugulin sa pagkain at akomodasyon sa loob ng tatlong (3) araw, handout, t-shirt, bayad kasapian, honorarya at iba pang gastusin at karagdagang Limampung Piso (PhP50.00) para sa mga bagong kasapi. Para sa iba pang impormasyon, tumawag o makipag-alam sa mga sumusunod: Dr. Marlene C. Tillah, Pangulo, PASATAF, mobile phone blg.: 0929-501-8161; Bb. Gloria I. Alday, Ingat-yaman, mobile phone blg.: 0928-754-8418; at Kom. Carmelita C. Abdurahman, Kalihim, mobile phone blg.: mobile: 0908-137-1502. - https://www.affordablecebu.com/
Please support us in writing articles like this by sharing this post
Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.
--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.
"Ika-40 Pambansang Gawaing Kapulungan sa Filipino" was written by Mary under the Literature category. It has been read 3722 times and generated 1 comments. The article was created on 11 January 2012 and updated on 11 January 2012.
|