Tula 1 ---
Gulay at Prutas sa aming Bakuran, Ipinagmamalaki naming Kayamanan!
(pamagat)- sinulat ni Khen Salce
Noong ako'y maliit pa,
Lagi kong nakikita;
Si Mama at Papa,
Nagtatanim, nagsasaka;
Ng mga gulay, prutas, at halaman,
Sa aming mumunting bakuran.
Isang araw, nawalan ng trabaho si Papa,
Wala kaming pambili ng ulam, dahil walang pera.
Kaya kumukuha si Mama ng pang-ulam sa aming bakuran,
Nandoon ang mga gulay na kanilang pinagpaguran.
Kahit walang pera si Papa noon,
Hindi naman kami nagugutom.
Nung panahong ding yon, nilagnat ang ate ko.
Si Mama, nasa bahay lang, si Papa walang pang trabaho,
Sa bakuran namin,
May Luya at Lagundi silang pananim
Nilaga nila ito at pinainom kay ate
Kinabukasan, pakiramdam ni ate gumanda
Sa ikatlong araw, lumabas ng bahay si ate at nakipaglaro na.
Mahirap lang kami na pamilya
Wala kaming limpak-limpak na pera
Pero kami naman ay masaya
Kumakain kami nang sama-sama
Lalo kaming napapasaya
Sa mga prutas at gulay na handa ni Mama
Mga pagkaing galing sa aming bakuran
Na tinuturing naming malaking kayamanan!
- WAKAS -
Tula 2 ---
Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon Aanihin
(pamagat)- sinulat ni Khen Salce
Sa ating munting bakuran,
Laging magtanim ng gulay at iba pang halaman
Itanong kay Mama at Papa
Kung anong mga gulay at prutas ang magaganda
Laging diligan at alagaan ang mga pananim
Ituring silang kapamilya rin natin
Pagdating ng panahon na pwede nang kainin
Ang galak at nutrisyon atin ding kakamtin
Anong saya kung pamilya sama-sama
Sa pagtanim at pagkain ng gulay kay saya
Kahit mahirap lang ang pamilya
Mayaman naman sa nutrisyon at bitamina.
- WAKAS -
Nagustuhan niyo ba ang tulang ito? Meron ba kayong tula na gusto ninyong ipagawa? Sabihin niyo lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/