Home » Articles » Literature

8 Tula Tungkol sa Ina

8 Tula Tungkol sa Ina
"Talaan ng Nilalaman: Tula tungkol sa InaAng aking InaPag-ibig ni InaAng halik ni InaUgali ni InaAng awit ni InaLibingan ni InaAng aral ni InaBulaklak kay InaAng aking Ina  Gaya rin ng iba, ang ina kong giliwAy inang mayumi’t lubhang maramdamin,Inang hindi yuko sa mga hilahil,Inang mapagbata at siya kong virgen.  Mayrong isang Diyos na kinikilala,May isang dakilang pananampalataya,Sa kanya ang madla’y kulay ng umaga,Ang galit ay awa’t sa poot ay tawa.  Siya ang dakilang Batas sa tahanan,Kamay na masipag, Kampana ng buhay,Susi ng pag-ibig na kagalanggalang.  Sa kanya ang lahat ay pawang mabuti,Ang dukha’t mayaman ay kapuripuriPalibhasa’y inang may puso’t pagkasi.Pag-ibig ni Ina  Ang puso ni ina’y kaban ng paglingap,May dalawang tibok na karapat-dapat,Ang isa’y kay ama, kay amang mapaladAt ang isa nama’y sa amin nalagak.  Noong nabubuhay ang ina kong irogAng kanyang pagkasi’y samyo ng kampupot,Ang lakas ng puso’y parang nag-uutosNa ako, kaylan ma’y huwag matatakot…  Pagibig ni ina ang siyang yumariNg magandang bahay na kahilihili,At nawag sa palad na katangitangi.  Timtimang umirog! Hanggang sa libinga’yDala ang pagkasing malinis, dalisay,Dala ang damdaming kabanalbanalan.Ang halik ni Ina  Ang mata ni ina’y bukalan ng luhaKung may dala-dalang damdamin at awa,Ang lahi ni ina’y sampagang sariwaNa may laging laang halik at kalinga.  Sa halik ni Ina ay doon nalagasAng tinik at bulo ng musmos kong palad,Sa halik ni ina’y aking napagmalasNa ako’y _tao_ na’t dapat makilamas.  Ang bibig ni inang bibig ng sampaga’yBibig na sinipi kina Clara’t SisaKaya’t mayrong bisang kahalihalina.  Ang halik ng ina’y apoy sa pagsuyo,Hamog sa bulaklak, Pag-asa sa puso’tLiwanag sa mga isipang malabo.Ugali ni Ina  Kung mamamana ko lamang ang ugaliNi inang sa aki’y nagpala’t nag-ari’yMarami sa akin ang mananaghili’tSa aki’y tatanga lamang yaong Hari.  Ang asal ni ina’y aklat ng paglingap,Salaming malinaw, bangong walang kupas,Suhay ng mahinhin, sulo ng mapalad,Mundong walang gabi, gabi ng walang ulap.  Ang salitang damot ay di kakilala,Ang kamay ay lahad, hanggang nakakaya’tTanging kayamanan ang pakikisama.Sa kanya ay Diyos ang mga pulubi,Ang dukha ay Hari’t Kristo ang duhagi,Iyan ang ugali ng ina kong kasi.Ang awit ni Ina  Nang buhay si ina’t ako’y kilik-kilikako’y pinagsawa sa alo at awit,malaki na ako’t may sapat ng isipay inaalo pa nang buong pag-ibig.  Ang musmos na patak ng nulo kong luhasa kanya’y kundima’t awiting dakila,makarinig lamang ng iyak ng batasa aki’y lalapit at maguusisa.  Ako’y kakalungin at ipaghehele,ang awit-tagalog ay mamamayanihanggang sa magsawa’t ako’y mapabuti.  Ang awit ni ina’y laging yumayakap,sa mga awitin ng aking panulatkaya’t ang awit ko’y mayumi’t banayad.Libingan ni Ina  Ang buhay ng tao’y parang isang arawNa kung mayrong bago’y mayrong nangangalay,Ang palad ni ina’y di na nakalabanKaya’t napatalo sa tawag ng hukay.  Ang buhay ni inang inutang sa lupa’ySa lupa rin namang nabayad na kusa,Ang mga mata kong maramot sa luhaNoo’y naging dagat na kahangahanga.  Wala na si ina! Ang lahat sa aminAy ngiti ng dusa’t kaway ng hilahil,Lubog na ang araw na kagiliwgiliw.  Nagtaglay si ina ng dalawang hukay:Ang isa’y sa lupang sanglaan ng buhay,Ang isa’y sa aking pusong gumagalang.Ang aral ni Ina  Ang tanging pamanang sa aki’y naiwanAy malaking gusi ng mayamang aral:–Anak ko: hanapin iyang karunungan,Ang dunong ay pilak, ang aklat ay buhay.  –Sa harap ng bait, ay silaw ang lakas,Sa harap ng matwid ay yuko ang lahat,Ang mundo’y niyari ng paham at pantas,Ang babae’y tinik ng isang bulaklak.  –Ang palalong tao’y halakhak ng hangin,Ang aping mabait ay dapat lingapinAt pagkailagan iyang sinungaling.  –Huwag kakayahin ang hindi mo kaya,Nang ikaw’y malayo sa pula at tawa,Umibig sa baya’t magpakabait ka”.Bulaklak kay Ina  Wala na si ina! Gayon ma’y naiwansa akin ang kanyang mahalagang aral,aral na sa ningning ay ningning ng araw,aral na sa buti’y palad, diwa’t yaman.  Larawang larawan lamang ang nalagaksa akin ng siya’y pumanaw at sukat,larawan ni inang yaman ng panulat,larawang kakambal ng aking pangarap.  Darakilang ina: ang iyong libinga’ysinasabugan ko ng tala’t kundiman,ng awit na siyang bulaklak ng buhay.  Sa harap ng iyong larawang dakilaay may nagniningas na isang kandilapanulat ng iyong anak na naluha.Ang mga halimbawa ng tula tungkol sa ina na nakalagda ay nagmula sa Ang Album ni Ina na nilikha ni Pascual De Leon para sa kanyang ina na si Rosa San Miguel de Leon, taga Samal, BataanWhat’s your Reaction?+1 0+1 1+1 0+1 0+1 1+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"8 Tula Tungkol sa Ina" was written by Mary under the Literature category. It has been read 510 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 January 2023.
Total comments : 1
Rzntxb [Entry]

order atorvastatin 20mg pills <a href="https://lipiws.top/">buy lipitor no prescription</a> atorvastatin 40mg tablet