Sarili Ko, Aalagaan Ko!
by Makata
Wag na wag pabayaan na pangalagaan ang sariling kapakanan
Sino nga ba ang unang tutulong sa iyo kung wala ng ibang taong makakapitan?
Di ba sarili mo ring lakas, pag-iisip, damdamin at kakayahan?
Kaya pahalagahan at pangalagaan sarili mong kapakanan.
Kapag pinahalagahan mo ang iyong sarili, alam mo ba kung ano ang magagandang ibubunga?
Una, may kakayahan kang tumulong sa iba.
Pangalawa, magagampanan mo ang tungkulin mo sa pamilya, sa simbahan at sa lipunan,
Pangatlo, magiging magandang halimbawa ka sa iba at ika'y tutularan.
Maraming mga paraan kung paano pangalagaan ang iyong sarili,
Sa iyong pagkilos, pag-iisip at paggawa gawin mo lagi ang tama at ang ikabubuti.
Maging malinis sa katawan, sa bahay at sa kapiligiran,
Magbasa ng mga libro o magsaliksik sa internet tungkol sa pagpapaunlad sa sarili, sa katawan, damdamin, pag-iisip at mga kakayahan.
Pwede ka ring magtanong at magpaturo sa mga ekspertong tao sa iba't ibang aspeto ng buhay
Gaya ng doktor, abogado, pulis, mga pinuno sa lipunan, enhinyero, pastor o mga taong may iba't ibang kaloob na Diyos ang nagbigay,
Lapitan mo sila, kaibiganin mo sila,
Sapagkat hindi lahat alam mo at hindi lahat meron ka.
Pero alam mo ba kung ano ang payo ng Diyos na dapat mong unahin sa lahat ng bagay?
Sabi ng Diyos sa Bibliya, karunungan ang pinakapangulong bagay,
Sabi pa Niya, "kunin mo sa lahat ng bagay ang karunungan"
"Sapagkat itataas ka Niya, at bibigyan ka niya ng karangalan."
--- Nagustuhan mo ba ang tulang ito? Wag kalimutang ishare ang link ng website na ito sa Facebook.
- https://www.affordablecebu.com/