Home » Articles » Literature

4 Tula tungkol sa Pangarap

4 Tula tungkol sa Pangarap
"Ang pangarap ay mga ambisyon o mithiin na nais nating makamit. Basahin ang mga halimbawa ng tula tunkol sa pangarap sa ibaba.Kung nais mong magsumite ng sarili mong tula tungkol sa pangarap, makipag-ugnayan sa amin dito.Talaan ng NilalamanBuntong HiningaAkoUlapNasilaw sa dilimBuntong Hininga Ako’y nagtataka!  Aywan ko kung bakitnagbabago yaring damdamin ko’t isip,ganyan na nga yata sa silong ng langitang gawang mamuhay sa laot ng hapis.Aywan ko kung bakit!  Sa aki’y pumanawang lahat ng tamis nitong kabuhayan,sa aki’y nag-iba ang lahat ng kulay,sa aki’y pag-api ang lahat ng bagay!…Talaga nga yatang balot ng hiwaga,balot ng pangarap at pagdadalitaang palad ng tao kung magkabisala!Pawang agam-agam ang laman ng lupa…!Walang kilos na di paghamak sa akin,walang bagay na di anyaya ng lagim,walang dulot na di sa aking paningi’yaninong malungkot ng mga hilahil.  Aywan ko kung bakit nagbago ang lahatsa kabuhayan ko’t matimtimang palad;Samantalang ako’y inaalapaapay masasabi kong: ¡Lahat ay pangarap!…Ako  Puso ko’y malungkot!  Malungkot na tilaIbong walang laya’t lagas na sampaga,Sa pasan-pasan kong mabigat na sala’yLason at patalim ang magpapabawa.  Ang ayos ng mundo ay isang kabaong,Nagtayong kalansay ang puno ng kahoy,Dila ng halimaw iyang mga dahonAt sigaw ng api ang ingay ng alon.  Ano’t ganito na ang pasan kong hirap!Ano’t ganito na ang aking pangarap!Ang lahat ng bagay ay napatatawad,Patawarin kaya ang imbi kong palad?  Gabi-gabi ako’y hindi matahimikNa parang sa aki’y mayrong nagagalit,Ang pasan kong sala’y laging umuusigSa kabuhayan kong di man managinip.UlapI.  Sa aking pagdaing, sa aking pagtawag,sa sinamo-samo ng dusta kong paladay palaging dilim at libingang ulapang hangang sa ngayo’y nagiging katapat.II.  Lahat na’y nabata ng aking pag-ibig,lahat na’y nasukat nitong pagtitiis,lahat na’y napasan sa silong ng Langitmaging ang parusang pagkalupit-lupit.III.  Nagbago ang lahat! Subali’t ang sagotng irog at buhay, sa aking pag-luhogay sadyang hindi pa binabagong lubos,waring inu-uri ang aking pag-irog…IV.  Nguni’t kaylan kaya sa kanya’y papanawang ulap ng isang wari’y alinlangan?at sa akin kaya’y kaylan mabubuksanang pintong may susing katumbas ng buhay.V.  Ang nakakatulad ng aking pag-giliway isang pulubing dumadaing-daingna sa kanyang taghoy at pananalanginay walang maawang maglimos ng aliw!VI.  Kanyang sinusubok ang aking pagsuyo,kanyang tinatarok ang luha ng puso,kanyang binabasa sa pamimintuhoyaong katunayan ng sinamo-samo.VII.  Samantalang ako’y tumatawag-tawag,lumuluha-luha sa gitna ng hirap,ay walang kapiling maging sa pangarapliban sa anino ng mga bagabag.VIII.  Ulap ng hinagpis, ulap ng parusaang nagpapasasang aking dinadama,nguni’t kaylan kaya sa aking pagsinta’yang ulap na iya’y magiging ligaya.Nasilaw sa dilimI.  Anang mga tao:  Ang mga makata’ySadyang isinilang upang magsiluha.Nang una’y ayokong dito’y maniwalaSubali’t sa ngayo’y nakita kong tama.  Ang luha ng tao ay may mga dahil,May luhang nagmula sa pagkahilahil,May sa pagkaapi sa isang giniliw,May sa pagkalayo sa inang butihin.  Ang luha ng aking nagsisising pusoAy hindi nanggaling sa pagkasiphayo,Ni sa pagkaapi ng aking pagsuyo,Ni sa pagkagahis ng isang palalo.  Ang luha ko’y buhat sa di pagkatayaNa ang tao’y mayrong  balon  ng parusa,Ang pagsisisi ko ay bumabalisa’tBumawi sa akin ng aking ligaya.  Talagang ang tao’y sadyang walang tigil,Namali nang minsa’y ibig pang ulitin,Ang tanaw sa  mundo’y mundong  walang lihimAt sa  Dios  ay  Dios  na di matandain.  Ang mundo nga nama’y batbat ng paraya’tNagkalat ang silo sa balat ng lupa,Dito kung mayron mang sampagang dakilaAy may tinik namang pamutol ng nasa.  Ang pagkamasakim sa bango at puriAng isinasama ng lalong mabuti,Ang pagtinging labis sa pagsintang iwi’ySiyang pagkabagsak ng isang lalaki.  Oh!  bangong  pangarap ng uhaw na puso!Oh!  puring  nagbuwal sa lalong maamo!Kayo ang  berdugong  may bihis-pagsuyoNguni’t iyang loob ay pagkasiphayo.  Ang sabik sa bango ng isang sampaga’tAng uhaw sa puri ng isang dalaga’ySiyang sumusunog sa kanyang pagasa’tSiyang nagsasabog niyong mga Troya.  Dakilang bulaklak: Ako’y naniwalaNa ang nagawa ko’y kahibangang pawa,Ngayon ko natantong  birhen  kang dakila,May wagas kang puso’t banal na akala.  Ako’y naririto’t pinagsisisihanAng aking nagawang mga kasalanan,Aking babaunin hanggang sa libinganAng hinanakit mo’t magagandang aral.  Talagang nalisya ang aking pangarap,Puso ko’y inabot ng bagyo sa dagat, Ano’t ikaw pa nga yaong binagabagGayong ikaw’y isang  anghel  na mapalad?  Pawiin sa puso ang mga nangyariAt iyong alaming may bango ka’t puri,Samantalang gayon, ako’y nagsisisiAt binabawi ko ang mga sinabi.  Nguni’t isang tanong:  Kaya ang patawadSa namaling puso ay iyong igawad?Ang mga  luha  ko’y siyang ihuhugasSa napaligaw ko’t nagsisising palad.What’s your Reaction?+1 0+1 1+1 0+1 0+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"4 Tula tungkol sa Pangarap" was written by Mary under the Literature category. It has been read 463 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 January 2023.
Total comments : 1
Bgcayl [Entry]

buy atorvastatin 20mg generic <a href="https://lipiws.top/">cheap lipitor</a> purchase lipitor online cheap