Home » Articles » Spiritual / Religion

5 Halimbawa ng Panalangin Bago Kumain

Kung isa kang taong may matibay na pananalig sa Diyos, napakahalagang manalangin bago kumain dahil dito makikita ng Diyos kung paano mo pinahahalagahan ang mga biyaya sa anyo ng pagkain na binibigay ng Diyos sa iyo.

Narito ang mga halimbawa ng maganda at maikling panalangin bago kumain:
Mga Halimbawa ng Panalangin Bago Kumain

Halimbawa 1

Panalangin Bago Kumain

- gawa ni Khen Salce

Ama naming Diyos,
Buong puso po kaming nagpapasalamat
Sa mga pagkaing ipinagkakaloob mo sa amin ngayon.
Pinupuri po namin ang iyong banal na pangalan.

Narito po ang mga pagkain.
Pakibasbasan niyo po.
Nang sa gayon magdulot ito ng kabutihan
Sa aming pangangatawan.

Pinapanalangin po namin ang lahat ng ito
Sa pangalan ni Hesus, na aming tagapagligtas.

AMEN.

Halimbawa 2

Panalangin Bago Kumain

- gawa ni Khen Salce

Panginoon po naming Diyos.
Salamat po nang marami sa inyo.
Sa mga biyayang binibigay niyo po sa amin.
Dinadakila at sinasamba po namin ang iyong pangalan.

Heto po ang mga pagkain nakahanda ngayon
Na ipinagkaloob niyo po sa amin.
Nawa'y pakibasbasan niyo po ang mga ito.
Magdulot nawa ito ng kalakasan ng aming katawan.

Pinapanalangin po namin ang lahat ng ito
Sa pangalan ng Panginoong HesuKristo
Na aming Tagapagligtas.

AMEN.
 

Halimbawa 3

Panalangin Bago Kumain

- gawa ni Khen Salce

Dakila po naming Diyos
Pinupuri po namin ang iyong banal ng pangalan
Salamat po nang napakarami
Sa mga biyaya ipinagkaloob niyo po sa amin ngayon

Pakibasbasan niyo po
Ang mga pagkaing nakahanda ngayon

Hinihiling po namin ang lahat
Sa pangalan ni Hesus, na aming Tagapagligtas

AMEN.
 

Halimbawa 4

Panalangin Bago Kumain

- gawa ni  Vicky padios

Panginoon namin na nasa langit.
Purihin ang iyong Banal na pangalan.
Panginoon salamat po sa araw na ito sa mga biyayang pinagkaloob mo sa amin.
Naririto po ang mga pagkain nakahain sa amin harapan.
Pakibendisyunan nyo po ang pagkaing ito upang mag dulot ng kabutihan sa aming katawan at magkaroon po kami ng lakas na maglingkod sayo.

Panginoon namin nasa langit. Bendisyonan mo po ang mga naghanda nito.
Ibalik mo po ang kanilang mga lakas at kabutihan.
Bendisyunan mo rin po Panginoon ang mga pinanggalingan ng pagkain na ito ng sa gayon ibalik mo po sa kanila ang mga pinansyal na ibinili nila rito.
Ibalik mo po ng liglig siksik at umaapaw.
Bendisyunan mo rin po ang bawat isa samin na naririto ngayon....

 

Ito po ang aming Panalangin sa pangalan ni Jesus na aming tagapagligtas...

AMEN...
 



Halimbawa 5

Panalangin Bago Kumain

- gawa ni  Spiritual Master

Panginoon, maraming salamat sa mga biyayang nakahanda sa aming hapag-kainan.

Ang mga biyayang ito ay aming pinahahalagahan sapagkat sa iyong kabutihan at kapangyarihan nagbuhat ang lahat ng mga ito. 

Maraming salamat, Panginoon sa patuloy ninyong pagbibigay sa amin ng mga pagkaing aming kailangan upang maging malakas at malusog sa aming araw-araw na buhay.

Maraming salamat din sa aming pagsasama-sama ngayong oras ng pagkain at nawa’y magkaroon kami ng pagkakataong muli sa susunod pang mga araw na muling magkasama-sama upang pagsaluhan ang iyong mga magagandang biyaya.

Sa pangalan ng iyong anak na si Jesus. 

AMEN...
 


Meron pa po ba kayong panalangin bago kumain? Pwede po kayong gumawa at ipost sa comment sa ibaba. Isusulat po namin ang inyong panalangin sa listahan sa itaas kabilang ang iyong pangalan. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"5 Halimbawa ng Panalangin Bago Kumain" was written by Mary under the Spiritual / Religion category. It has been read 83253 times and generated 4 comments. The article was created on and updated on 14 March 2021.
Total comments : 4
Rxcdmc [Entry]

buy atorvastatin 20mg sale <a href="https://lipiws.top/">generic atorvastatin 20mg</a> cost atorvastatin
YURICA RIVERA [Entry]

Dakila po naming Diyos salamat po sa pagkain na nakahain sa aming hapagkainan ang mga ito ay aming pinapasalamatan
Wala [Entry]

Na walang pakialam
Vicky padios [Entry]

Panginoon namin na nasa langit.purihin ang iyong Banal na pangalan..panginoon salamt po sa araw na ito sa mga biyayang pinagkaloob mo saamin..naririto po ang mga pagkain nkahain sa amin harapan..pakibendisyunan nyo po ang pagkaing ito upang mag dulot ng kabutihan sa aming katawan at magkaroon po kami ng lakas na maglingkod sayo..
Panginoon namin nasa langit bendisyonan mo po ang mga naghanda nito ibalik mo po ang kanilang mga lakas at kabutihan..bendisyunan mo rin po Panginoon ang mga pinanggalingan ng pagkain na ito ng sa gayon.ibalik mo po sa kanila ang mga pinansyal na ibinili nila rito..ibalik mo po ng liglig siksik at umaapaw....bendisyunan mo rin po ang bawat isa samin na naririto ngayon....
Ito po ang aming Panalangin sa pangalan ni Jesus na aming tagapgligtas...
AMEN