Mga Layunin ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2013
Nilalayon ng pagdiriwang na ito na:
- ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;
- mahikayat ang iba't ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko; at
- maganyak ang mamamayang Filipino na pahalagahan ang wikang Filipino sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Hinati sa sumusunod na diwa ang pangkalahatang tema ng pagdiriwang:
- Ang Wika Natin ay Wika ng Katarungan at Kapayapaan;
- Ang Wika Natin ay Laban sa Katiwalian;
- Ang Wika Natin ay Sandata Laban sa Kahirapan;
- Ang Wlka Natin ay Wika ng Mabilisan, Inklusibo, at Sustenidong Kaunlaran; at
- Ang Wika Natin ay Wika sa Pangangalaga ng Kapaligiran.
Ang mga nabanggit na sub tema ang papatnubay at magsisilbing batayan ng lahat ng gawaing bubuuin at isasagawa sa isang buwang pagdiriwang.
Malugod na hinihikayat ang suporta at pakikilahok ng mga kinauukulan sa mga gawain at programa kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2013
Hinihiling sa lahat na makipag-ugnayan at mag-sumite ng sang buwang programa ng pagdiriwang bago ang 30 Hunyo 2013 sa KOMISYON SA WIKANG FILIPINO, Sangay ng Impormasyon at Publikasyon, 21F Watson Bldg., JP Laurel St., Malacanan Palace Ground, San Miguel, 1005 Maynila, o tumawag at makipag-ugnayan sa telepono big. (02) 736.2524173625251 7362519 o sa email: komfil.gov.@gmail.com; www.kwf.gov.ph.
- https://www.affordablecebu.com/