Home » Articles » Literature

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Kasaysayan ng Wikang Pambansa
"Bago pa tayo maging kolonisado ng kastila, mayroon na tayong sariling pamahalaan, batas, paniniwala, panitikan, sining, at wika. Alamin ang kasaysayan ng wikang pambansa.Kasaysayan ng Wikang PambansaAng kasaysayan ng wikang Filipino ay nagsimulang sumibol noong taong 1935, nang may saligang batas na nagtadhana sa sariling wikang pambansa: “Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”Sa pasimuno ni pangulong Manuel L. Quezon ay itinaguyod ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Layunin ng SWP ang mapag-aralan ang mga wikang katutubo upang makagawa ng wikang panlahat na binabatay sa wikang umiiral sa bansa. Hinirang ni Manuel L. Quezon ang mga kagawad na mamumuno sa SWP alinsunod sa batas komonwelt na pinatupad ng Pilipinas at ng Estados Unidos—si Jaime C. Veyra sa kabisayaang Samar, si Cecilio Lopez sa Tagalog, si Santiago A. Fonacier sa Ilokano, Filemon Sotto sa kabisayaang Cebu, Felix Salas-Rodriguez sa kabisayaang Hiligaynon, si Camisiro F. Perfecto sa Bikolano at si Hadji Butu sa Muslim. Noong ika-9 ng Nobyembre 1937 ay napag-alaman na ang wikang Tagalog ang siyang pinakamainam na lengguwaheng panlahat alinsunod sa mga bilin ng batas komonwelt. Buhat noon ay pinili ang Tagalog upang pagtibayin ito bilang isang wikang pambansa.

Nagsimula na ang pagpalilimbag ng mga diksyunaryo at aklat sa gramatika ng wikang pambansa at noong ika-19 ng Hunyo, 1940 ay itinuro na ito sa mga pribadong paaralan sa buong bansa, hanggang sa sumunod na ang mga pampublikong paaralan.Nilagdaan na ang wikang pambansa bilang isang opisyal na wika noong ika-4 ng Hulyo, 1940, at taon taong itong ipagdidiriwang simula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril. Inilipat ito sa ika-13 hanggang 19 ng Agosto. Hindi kalauna’y dinagdag ang selebrasyon sa pagpupugay sa kasaysayan ng wika, kung kaya’t ang buwan ng Agosto’y buwan ng wika at buwan ng kasaysayan.What’s your Reaction?+1 2+1 2+1 1+1 1+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Kasaysayan ng Wikang Pambansa" was written by Mary under the Literature category. It has been read 391 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 January 2023.
Total comments : 1
Sxuunm [Entry]

lipitor 10mg canada <a href="https://lipiws.top/">lipitor 40mg ca</a> order atorvastatin 10mg online cheap