Buwan ng Wikang Pambansa 2011 picture (75 Years)
Layunin ng pagdiriwang na ito ang mga sumusunod:
- maisakatuparan ang mga tungkulin ng KWF ayon sa itinakda ng Seksiyon XIV, Letrang L ng Batas Pambansa Blg. 7104;
- maipatupad ng ganap ang Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulo ng Pilipinas;
- maipamalas sa sambayanan ang kahalagahan sa paggunita ng wikang pambansa at ang kasaysayan nito sa ika-75 anibersaryo ng KWF;
- ganyakin ang mamamayang Pilipino na makilahok sa patimpalak sa pagsulat ng sanaysay sa wikang Filipino;
- masuri at masukat muli ang naisagawa sa implementasyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335; at
- maidaos ang kumperensiyang pangwika na ang layunin ay maisapanahon ang mga kaalaman at isyung pangwika.
Petsa | Paksa |
Agosto 1-7 | Pagpapahalaga sa Pambansang Wika |
Agosto 8-14 | Wika sa Pagpapatupad ng Kaunlaran at Disiplina ng Bayan |
Agosto 15-21 | Wika ang Instrumento sa mga Patakarang Pangkaunlaran at Pangkatarungan |
Agosto 22-28 | Wikang Filipino: Tugon sa Malinaw na Programa sa Tuwid na Landas |
Agosto 29-31 | Wikang Filipino: Tinig ng mga Guro, Tinig ng mga Mag-aaral, Wika ng Kabayanihan |
Para sa isang buwang pagdiriwang, ang mga sumusunod na paksa ay hinati-hati sa bawat linggo ng Agosto.
Agosto 1-7: Pagpapahalaga sa Pambansang Wika
- Pagsasapuso ng Pambansang Awit.
- Pagdaraos ng mga talakayan para sa pangangailangang pangwika sa epektibong paghahatid ng serbisyong pampamahalaan.
- Pagdaraos ng mga programa at gawain na ang gamit ay wikang Pambansa.
- Paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at korespondensiya.
- Pagdaraos ng Timpalak-Bigkasan sa silid-aralan gamit ang pambansang wika sa paksang "Ang Wika ay Lakas at Ilaw sa Tuwid na Landas".
- Ganap na maipaunawa sa mga mag-aaral na ang tagumpay ay matitiyak kapag mabuti at pinahahalagahan ang paggamit ng wika.
- Pagsasapuso ng Panunumpa sa Watawat.
- Pagsasadula sa Wikang Filipino ng mga gawaing may kinalman sa kaunlaran at disiplina ng bayan.
- Pagpapasulat ng pormal or di-pormal (elementary at sekondarya) na sulatin o sanaysay (kolehiyo) tungkol sa paksa
- Pagtatanghal ng dula-dulaan na naglalarawan ng paksa, gamit ang wikang pambansa.
- Paghahanda ng iba-ibang slogan na may kaugnayan sa paksa, para sa lalo pang pagpapapasigla ng pagdiriwang.
- Pagsasapuso ng Diwa ng Kalayaan
- Pagdaraos ng Timpalak sa Talumpatian na ang pokus ay ang lingguhang paksa.
- Pagdaraos ng talakayan tungkol sa kasaysayan ng kalayaan na tinatamasa ng bayan.
- Pagdaraos ng debate na may pamagat na "Ang Kahalagahan ng Wika sa Larangan ng Katarungan."
- Pagsasapuso ng Diwa ng Tuwid na Landas.
- Pagtalakay sa kahalagahan ng wikang Filipino sa pag-unawa sa isinusulong na mga programa ng Administrasyong Aquino.
- Pagtatala ng karunungang natamo dahil sa Wikang Filipino.
- Pagbuo at/o pagsariwa ng nga tula at awiting Filipino tungkol sa pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan bilang patunay ng pagmamahal sa bayan.
- Pagdaraos ng timpalak sa paggawa ng poster na naglalarawan ng kalikasan at/o kapaligiran ng Pilipinas noon at ngayon.
- Pagtataguyod ng Palatuntunan tungkol sa pagmamahal sa wika at kalikasan.
- Pagsasapuso ng Diwa ng ika-150 Selebrasyon ng Kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal.
- Pagtatanghal sa mga isinasagawang patimpalak sa panahon ng pagdiriwang.
- Pagdaraos ng Palatuntunan na nagpapamalas ng ilaw at lakas ng wika.
For those who are requesting for slogans, you can go here: Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas Slogans
- https://www.affordablecebu.com/