Ang tulang ito ay naglalarawan ng kagandahan ng Pilipinas. Kaya nahihikayat ang ibang bansa na sakupin ito. At gusto ng lumikha ng tula na muling buksan ng Pilipinas ang kanyang kagandahan at ang mga Pinoy ay dapat na maging makabayan upang lalong lumago at magniningning ang kagandahan ng Pilipinas.
Pilipinas, Aking Pintakasi. The Tagalog word pintakasi used to refer to someone who mediates. The definition has now evolved and taken on new meanings in contemporary usage.
Tula tungkol sa Pilipinas
Pamagat: Aking Pintakasi
Pintakasi, aking bayang hinirangLundayan ng dunong, pugad ng tapang
Pag-alabin ang puso’t lahing pagal
Dinggin ang pagsamo’t apoy, tumagal
Hirang, iwaksi mo ang kasaysayan
Alisin ang piring sa aba mong bayan
Tupdin naming lubos ang ‘yong adhika
Magnasang sa mundo’y madarakila
O ‘Pinas, ganda mo’y ‘di magmamaliw
Sa yumi mong taglay, banyaga’y baliw
Ano’ng sikreto mo’t di ka maiwan?
Sa piling kaya’y kaya pang manahan?
Walang pagsidlan, tuwang nadarama
Paglingkuran ka’y tunay na ligaya
Ikaw ang kariktan ng aking puso
Makasama ka, sa’ki’y bumubuo
Meron ka bang gustong ipagawa na ibang klase ng tula? Sabihin mo lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/