- maging kabalikat sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa K to 12, Understanding by Design (UbD) at Multilingual Education (MLE);
- makapaghanda ng mga kagamitang panturo sa konteksto ng K to 12, UbD, at MLE;
- makapagsagawa ng programa sa pananaliksik pangwika na maisasagawa sa silid-aralan o loob ng klasrum; at
- mailapat sa paghahanda ng mga kagamitang panturo ang mga bunga ng saliksik na isinagawa ng guro.
Ang mga dadalo ay magbabayad ng butaw na Tatlong Libo at Limandaang Piso (PhP3,500.00) para sa tatlong (3) tanghalian at anim (6) na meryenda, lugar na pagdarausan, seminar kit, onoraryum ng mga tagapanayam, at iba pang kaugnay na gastos. May sampung porsiyento (10%) diskuwento ang mga aktibong miyembro ng PSLLF sa pasubaling maipapakita nila ang katunayan ng kasapian gaya ng ID o resibo.
Hinihiling na magdala ang mga dadalo ng mga tula, maikling kuwento, pabula, alamat, kuwentong bayan, at epiko sa kanilang rehiyon na magagamit sa mga worksyap sa paghahanda ng mga kagamitang panturo.
Para sa inyong reserbasyon at mga gustong tumigil sa hotel/dormitoryo, tumawag o makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
Prof. Emma O. Sison DLSU-College of St. Benilde Taft Avenue, Maynila Mobile Phone Blg.: 09178961993 Telephone No.: (02)881-2573 | Prof. Santiago Flora, Jr. Quezon City Polytechnic University Novaliches, Quezon City Mobile Phone No.: 09228162676 Telephone No.: (02) 514-3520 Email Address: tiagz@yahoo.com | Dr. Ester T. Rada San Beda College, Mendiola, Maynila Mobile Phone No.: 09266849329 Telephone No.: (02) 7356011 / local 5122 Email Address: esterrada2003@yahoo.com etor3s@gmail.com |