Home » Articles » Literature

Mga Tula Tungkol sa Ina, Nanay or Mommy (Mother)

Narito ang isang koleksyon ng mga magagandang tula tungko lsa Ina, Nanay o Mommy (Mother).

Nasa walong (8) tula ang nasa listahan sa ibaba.

Mga Tula tungkol sa Ina, Nanay o Mother

Mga Tula Tungkol sa Ina, Nanay or Mommy (Mother)

 

Halimbawa 1 (Tula tungkol sa Ina)


Para Sayo Nanay 

ni Ms. Estrelita Vargas at Little Lambs Ministry

 
Nanay, mama, mommy 
Anumang itawag sa kanila 
Hindi matatawaran 
kanilang pag-aalaga
 
Pag-aaruga’t pagmamahal 
Sa ami’y ipinaranas 
Iyon ang aking ina 
At wala ng iba
 
Lahat ay tiniis 
Kahit pa nasasaktan 
Sa aming kakulitan 
Minsa’y napapaluha
 
Bilib ako sa nanay ko 
Dahil kahit kami’y magugulo 
Pasensya nya’y 
Abot hanggang dulo
 
Kaya naman, sa araw na ito 
Ikaw, aking ina ay pahahalagahan ko 
Masiyahan ka sana 
Sa munting mensaheng ito
 
Laking pasasalamat ko 
Sa ating Panginoon 
Dahil nilikha Niya kayo 
Upang magsilbing instrumento
 
Ay ayaten ka Nanay! 
Nahugugma Kita Nanay! 
I Love You Mommy! 
Mahal Kita Akin Nanay!
 
At aking buong 
Pagmamalaking sasabihin 
YOU’RE THE BEST, NANAY!
 
(Source: http://ncf.org.ph)
 

Halimbawa 2 (Tula tungkol sa Ina)
 

Alaala ng Aking Ina

ni Rose J. Bunga (Guro)
 
O' irog kong inang tanging sinisinta
Daghing pagyao mo'y nagbibigay-dusa;
Sa abang puso kong sa yo'y nagmamahal;
Sa kaisipan koy laging nakakintal.
 
Maghapo't magdamag na nagtutumangis,
Hindi matanggap ang dagli noong pag-alis;
Pag-aarugay mo'y hinaharap pa rin;
Nang mahal mong anak puno ng panimdim.
 
Nagdaang kahapong laging nasa isip,
Mga pangaral mo'y puno ng pag-ibig;
Minsa'y kagalitan, munting pagkamali;
Pinaparusahan walang pasubali.
 
Sa mga anak ko'y ina saan ka man ngayon,
Diringgin mo sana itong aking tugon;
Sa mga kalinga at pagmamahal mo,
Itong munting tula ang tanging handog ko.
 
Paalam na inay, Inay paalam na,
Sa langit hintayin, doo'y magkikita;
Alaala mo 'nay aking tanging aliw;
Pagmamahal sa yo'y walang pagmamaliw.
 

Halimbawa 3 (Tula tungkol sa Ina)
 

INA

ni missy.k

Isang babae na masaya sa pagka-dalaga,
Pero pinili pa din gumawa ng sariling pamilya,
May asawa man o wala,
Ipapakita nilang kaya nila,

Ang nagdala ng siyam na buwan,
Hirap dahil sa laki ng tiyan,
Ok lang kahit lumubo ang katawan,
Maging malusog lang ang nasa kanyang sinapupunan,

Sabi nila ang isang paa ay nasa hukay,
Pipilitin nya maipakita ang bagong buhay,
Senyales ang iyak na maingay,
na andyan na ang matagal ng inaantay,

pinalaki at tinuruan,
pinag aral at binihisan
ginawang araw ang gabi para sa mga pangangailangan,
pag uwe maglilinis pa ng bahay dahil sa kalat na iniwan,

sumasakit ang ulo sa problema,
hindi na nga nakatulong sasagutin ka pa,
hindi man lang nakita na pagod ka na,
magagalit pa pag hindi nabigay ang gusto nya,

walang pahinga ang pagiging ina,
walang sign out, shut down
turn off, log out, nakakapagod isipin no.
naiisip mu pa lang napapagod ka na
panu pa kaya pag ikaw na ang naging INA.
 

Halimbawa 4 (Tula tungkol sa Ina)
 

Maligayang Kaarawan Aking Ina!

ni Luisa

Maligayang kaarawan sayo aking ina,
Sana ngayong araw ikaw ay maging masaya.
Mga problema ay wag munang isipin,
Dahil ngayon ika'y aming pasasayahin.

Una sa lahat nais kong mag pasalamat,
Sa pag agapay sa amin mula nung isilang.
Sa pagtugon sa aming mga pangangailangan,
Sa pag tanggap sa amin mula sa kamalian.

Kayo ay maituturing na isang DAKILA,
Hindi lang dakilang ina kundi dakilang lola.
Lahat ng sakripisyo ay inyo ng ginawa,
Dahil ang inyong nais kami ay guminhawa.

Maraming salamat sa lahat lahat aking ina.
Sa pag aaruga mula pagkabata.
Mahal na mahal kita ang aking ina.
 

Halimbawa 5 (Tula tungkol sa Ina)

Kay Inay

Tula ni Emelita Perez Baes

Sa aking kamusmusang balot ng kalungkutang iniwanan ni Itay,
Sa mulat kong paningi’y naiwanan ang latay na naumang kay Inay;
Labing-anim na matang ipinauunawa’y lantay na pagmamahal,
Ang kanyang kinapiling sa pakikipaghamok sa kinaparoonan!

May aninaw ng dilim ang wisik ng siphayong sa puso ay pangwindang,
Na kanyang katuusan upang ang mga bunso sa aral ay tustusan;
Ito’y mga gawing di malirip ng diwa’t di mabata ng laman ngunit magpapayabong
Ng walong pintig buhay at walong kaisipan.

Haba ngang nagtatagal ay lalong bumibigat iyang mga dalahin
Nitong mahal kong Inang may matibay na dibdib sa dusa at tiisin;
At iyang mga supling na kulang pa ang malay ay kung pakaisipin
Kanyang naitaguyod sa sipag at tiyagang kay hirap patigilin!

May kurus s’ya sa dibdib handang magpakasakit at handa ring magtiis,
Mayroon siyang sagot at laging handang tugon sa mga suliranin;
Mapagpala n’yang kamay panghaplos ng dusa at panlunas sa sakit,
Mapagmahal na dibdib ay mapagsusukdulan ng mga hinanakit.

Kinalong niyang lahat iyang kapalaluang katambal ng pagluha
At sa silid ng puso’y binigyang puwang niya, lahat ng mga hiwa;
May hapdi man ang sugat na wala ng panlunas sa gasgas na hiwaga,
Karamay pa rin siya sa lahat ng sandaling pagkapariwara.

Ngayon nga’y kaarawan ng aking sintang ina . .. ika-limampu’t siyam,
May putong siyang koronang mula sa ating Poong sa kanya ay gumabay;
Sa nagdaang panahon ng pagpapakasakit at tinamong tagumpay
Marmol siyang bantayog niyang kadakilaang walang makakapantay!

Siya nga ang babaing aking dadakilain sa lahat ng panahon,
Ngayong may isip na ko’y karapatan ko lamang na siya’y ipagtanggol;
Ipalasap sa kanya — itong pasasalamat na sa puso ay taos,
Ang kumot ng ginhawa’y ilulukob sa kanya ng buong pagkalugod!

Sa kanya ay alay ko ang halik ng pagsinta at ng mga pag-irog
At mga panalanging nawa’y pagkalooban ng dugong dumadaloy
Ang nalalabing buhay na sa ugat ng puso ay pait ang bumalong
Nang kahit na sang saglit banaag na ligaya sa kanya’y mapakalong!
 



Halimbawa 5 (Tula tungkol sa Ina)
 

Sa Pusod Mo Aking Ina

Tula ni Francis Morilao

Unang tibok
Unang pintig
Nagmula sa iyong
Walang bahid

Hindi alintana
Kung gaano kasakit
Mailabas lang ako
Malakas man ang iyong impit

Inalagaan mo
Bawat saglit
Hanggang sa marining
Itong munting tinig

Sa pagtulog ko
Ikaw’y nakatitig
Sa mga pisngi kong
Pagkaliit-iit

Gatas
Na sa iyo nagmula
Sa akin
Ay lubusang nagpasigla

Hanggang sa ako
Ay magsalita
Panay ang halik mo
Sa pisngi kong mapula

Ulo ko
Ay inalagaan mo sa hilot
Upang sa paglaki ko
Ay tunay na mamilog

Sa aking pagligo
Hindi mo iniwanan
Isusuot
Ang baru-baruan

Ibabandila
Ang iyong pinagtiyagaang
Binurda
Ang aking pangalan

Nang ako
Ay unang humakbang
Larawan ko
Ay ipinangalandakan

Binanggit
Sa aking mga pinsan
Kaya naman ako’y
Kanilang kinagiliwan

Sa tuwing ulan
Ay papatak
Naisip ko
Nuong ako’y umiiyak

Hindi ka mapakali
Sa aking pag-iyak
Kakargahin ako
Buong magdamag

Taun-taon
Ginugunita
Kung gaano ka
Kadakila

Maubos man
Ang lahat ng salita
Pati na
Ang aking mga luha

Hindi ko pa rin
Maikakaila
Sa pusod mo ako
Unang huminga

Salamat sa iyo
Aking ina
Sapagkat ako’y pinalaki mo
Na may disiplina

Kahit saang lupalop
Ako magpunta
Nasa puso’t isip ko
Ang iyong pagkalinga

Ngayong malabo na
Ang iyong mga mata
Mga letra ng tula ko’y
Hindi mo na makita

Inay
Huwag kang mag-alala
Nandyan ang apo ninyo
At siya ang babasa

Inay mahal na mahal kita.



Halimbawa 6 (Tula tungkol sa Ina)

Ang Halik ni Ina

Tula ni Pascual de Leon

Ang mata ni ina’y bukalan ng~ luha
Kung may dala-dalang damdamin at awa,
Ang lahi ni ina’y sampagang sariwa
Na may laging laang halik at kaling~a.

Sa halik ni Ina ay doon nalagas
Ang tinik at bulo ng~ musmos kong palad,
Sa halik ni ina’y aking napagmalas
Na ako’y tao na’t dapat makilamas.

Ang bibig ni inang bibig ng~ sampaga’y
Bibig na sinipi kina Clara’t Sisa
Kaya’t mayrong bisang kahalihalina.

Ang halik ng~ ina’y apoy sa pagsuyo,
Hamog sa bulaklak, Pag-asa sa puso’t
Liwanag sa mg~a isipang malabo.
 



Halimbawa 7 (Tula tungkol sa Ina)
 

Pag-ibig ng Ina

Tula ni Pascual de Leon

Ang puso ni ina’y kaban ng paglingap,
May dalawang tibok na karapat-dapat,
Ang isa’y kay ama, kay amang mapalad
At ang isa nama’y sa amin nalagak.

Noong nabubuhay ang ina kong irog
Ang kanyang pagkasi’y samyo ng kampupot,
Ang lakas ng puso’y parang nag-uutos
Na ako, kaylan ma’y huwag matatakot…

Pagibig ni ina ang siyang yumari
Ng magandang bahay na kahilihili,
At nawag sa palad na katangitangi.

Timtimang umirog! Hanggang sa libinga’y
Dala ang pagkasing malinis, dalisay,
Dala ang damdaming kabanalbanalan.
 



Halimbawa 7 (Tula tungkol sa Ina)
 

Siya na Aking Ina

Ang tulang ito ay mula sa tula.poemslifelove.com

Siya na nagluwal sa akin
Na umantabay sa aking kamusmusan
Siya na nagmahal sa akin
Ng wagas at walang alinlangan.

Siya na nagbigay buhay sa akin
Handang ialay buo niyang sarili
Siya na palaging nakabantay sa akin
Na nagpakasakit sa aking paglaki.

Siya na naghihintay sa akin
Sa gabi, sa alanganing oras na pag-uwi
Siya na nagbibigay lakas sa akin
Sa tuwing ako’y malapit ng magapi.

Siya na naniniwala sa akin
Kahit ako’y tinatalikuran ng lahat
Siya ang nag-aalalay sa akin
Kapag nadadapa’t nakakalimot.

Siya ang nagsilbing tala
Sa panahon na madilim
Siya ang aking mahal na ina
Na naging huwaran sa akin.
 



Halimbawa 8 (Tula tungkol sa Ina)

Para sa Iyo, Inay

(A CELEBRATION OF LIFE… INAY’S 82ND BIRTHDAY!!!)
Tula ni Marilou H. Anila

21 years ago, ito ay aking kinompose
Ipinahayag ang damdamin sa inang ang pagmamahal ay lubos
Nag-uumapaw na damdamin at paghangang sa puso ay taos
Sa katangi-tanging babaeng sa ami’y bigay ng Diyos:

Ang pagiging ina ay napakadakila
Karamihan ng babae’y ito ang inaadhika
Talagang maituturing na isang biyaya
Tungkulin at pagkakataong bigay ng Maylikha.

Ang aming inang si HERMINIA, a.k.a….Hermie
Sinuwerteng makatanggap ng biyayang nasabi
Nagluwal sa mundo ng apat na babae
At nabiyayaan pa ng bunsong anak na lalaki.

Mula nang magkaisip ay akin nang narinig
Kung paanong ang mga ate ko’y pinuspos niya ng pag-ibig
Pagkalinga’t pagmamahal na hindi lang isinatinig
Masuyo ring ipinadama sa kandungan niya’t mga bisig.

Bagama’t nagkasakit ang panganay kong kapatid
Sa pagmamahal nama’y hindi niya ito tinipid
Inaruga’t pinagsilbihan nang walang patid
Sa sarili niyang pamamaraan, pag-ibig ay ipinabatid.

Di ba kahanga-hanga ang kanyang ginawa
Ang anak na di-normal ay di niya ikinahiya
Sa halip na abandunahi’y binusog sa pagkalinga
Inalalayan, tinulungan at inaruga.

Sa kabila ng hirap ng dibdib at dusa ni ina
Datapuwa’t natatakot at mayroon pang pangamba
Iniluwal sa mundo ang anak na pangalawa
Isa na namang sanggol ang tinigib ng pagkalinga.

Modelong ina siyang maituturing
Buong tiyagang nagturo sa kanyang mga supling
Kagandahang-asal at wastong pag-uugali
Itinurong dalhin at taglayin parati.

Isa na namang pagsubok ang matatag niyang binata
Pangatlo kong kapatid, namatay noong baby pa
Isa na namang pait ang iniluha nila ni ama
Pagpanaw ng isang anak na bahagi ng buhay nila.

Bawat dusa…bawat pait…
Bawat pagsubok…bawat sakit…
Mga bagay na ito ang nagturo sa kanya
Tatag ng loob at tapang sa pakikibaka.

Dumating ang sandaling, ako naman ang isinilang
Pagmamahal niya’t pagkalinga’y akin mismong naramdaman
Istrikta ma’t disciplinarian, sa concern ay tigib naman
Ipinunlang pagmamahal, natanim sa isipan.

Sa dami na ng pagsubok na sinabana niya
Pagkakasakit ni Tatay ay isang dagdag pa
Ang taong katuwang niya noon pa mang una
Ay nagkaroon ng karamdaman at kailangang pagsilbihan pa.

Datapuwa’t mahirap ay kanyang kinaya
Pagtayong ama at ina ng pamilya
Naging sandigan ng lakas at tapang namin s’ya
Ni Tatay…nina ate…ko…at ng new baby pa.

Ang pagdating ni Paolo rito sa aming buhay
Ligaya ang dulot, saya ang taglay
Naging source of joy namin, bigay ng maykapal
Isang sanggol na witness din ng kay Inay na pagmamamahal.

Ang pagtawag sa Diyos ay di niya nakaligtaan
Mga biyayang natamo’y patuloy na binibilang
Positibong aspeto ng buhay, ang kanya lang tinitingnan
Ang mga negatibo’y pilit kinalimutan.

Mula noon,,,hanggang ngayon, ang galing-galing ni ina
“She emerged victorious”, ito ang sabi nila
Nagsilbing inspirasyon at modelo ng kababaihan
Naging mabuting asawa’t ina…THE REAL ESSENCE OF A WOMAN!

21 years after ay ganito pa rin si Ina
17 years na ngang retiradong public school teacher ay active na active pa
Kombinasyon ng karakter ay tunay na kakaiba…
Matapang ngunit compassionate at mapagmahal sa tuwina.

Oo nga’t balo na at iniwan na ni ama
Oo nga’t mag-isa nang tumatayong madre at padre de pamilya
Oo nga’t 82 na at karamihan ng buhok ay puti na
Nanatili pa ring strong, at source ng lakas ng pamilya.

Ang line up of activities niya ay hindi pang otsenta’y dos
Naglilinis, namamalengke, nagluluto, naglalaba
Habilinan pa rin siya ng mga apo sa tuwina
Sa pangsimbahan at pangkomunidad na activities ay tunay ngang go na go pa.

Eto po ang inay ko, sobra-sobrang aktibo
Ngunit nananatili pa ring ina namin, mapagmahal na biyenan at nanay ng mga apo
Sa pagmamahal, concern at pagsuporta, ang puso niya ay tigib na totoo
The best ka talaga Inay, sa iyo kami ay saludo!

Eto pong si Inay ay parang si Wonder woman
Kung kami ay may problema at siya ay aming lapitan
Makikinig, magpapayo at magpapalakas ng aming kalooban
Magdarasal, may gagawin and after some time… AYOS NA, OK NA ang turan.

We don’t know how would it be kung hindi siya ang aming Inay
Maalalahaning tunay at palagi naming karamay
Maaaring binigyan kami ng Diyos, ng mga trials sa buhay
But He made them easier, kasi He gave us our Inay.



Meron ka bang tula diyan tungkol sa ina? Pwede po naming ipublish ito sa itaas. Ipost niyo lang ang inyong mga tula sa comment sa ibaba. Kami na ang bahalang mag-post sa itaas.

- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Mga Tula Tungkol sa Ina, Nanay or Mommy (Mother)" was written by Mary under the Literature category. It has been read 189263 times and generated 4 comments. The article was created on and updated on 23 February 2021.
Total comments : 4
Oymzoz [Entry]

lipitor 40mg without prescription <a href="https://lipiws.top/">order lipitor 10mg sale</a> purchase lipitor for sale
missy.k [Entry]

INA
Isang babae na masaya sa pag kadalaga,
Pero pinili pa din gumawa ng sariling pamilya,
May asawa man o wala,
Ipapakita nilang kaya nila,

Ang nag dala ng syam na buwan,
Hirap dahil sa laki ng tyan,
Ok lang kahit lumubo ang katawan,
Maging malusog lang ang nasa kanyang sinapupunan,

Sabe nila ang isang paa ay nasa hukay,
Pipilitin nya maipakita ang bagong buhay,
Sinyales ang iyak na maingay,
na andyan na ang matagal ng inaantay,

pinalaki at tinuruan,
pinag aral at binihisan
ginawang araw ang gabi para sa mga pangangailangan,
pag uwe mag lilinis pa ng bahay dahil sa kalat na iniwan,

sumasakit ang ulo sa problema,
hindi na nga nakatulong sasagutin ka pa,
hindi man lang nakita na pagod ka na,
magagalit pa pag hindi nabigay ang gusto nya,

walang pahinga ang pagiging ina,
walang sign out, shut down
turn off, log out, nakakapagod isipin no.
naiisip mu pa lang napapagod ka na
panu pa kaya pag ikaw na ang naging INA.
Luisa [Entry]

Maligayang kaarawan sayo aking ina,
Sana ngayong araw ikaw ay maging masaya.
Mga problema ay wag munang isipin,
Dahil ngayon ika'y aming pasasayahin.

Una sa lahat nais kong mag pasalamat,
Sa pag agapay sa amin mula nung isilang.
Sa pagtugon sa aming mga pangangailangan,
Sa pag tanggap sa amin mula sa kamalian.

Kayo ay maituturing na isang DAKILA,
Hindi lang dakilang ina kundi dakilang lola.
Lahat ng sakripisyo ay inyo ng ginawa,
Dahil ang inyong nais kami ay guminhawa.

Maraming salamat sa lahat lahat aking ina.
Sa pag aaruga mula pagkabata.
Mahal na mahal kita ang aking ina.
annajane lubatom esguerra [Entry]

ang ganda naman ang tula na ito pasasalamatan ko ang aking ina