Saan ka man o anuman ang iyong ginagawa, marapat na gawin mo kung ano ang tama.
Kung mahirap sa iyo ang paggawa nang tama, pwersahin mo ang iyong sarili na gawin ang tama.
Isang mabisang paraan upang malinang ang paggawa nang mabuti ay ang pagiging malapitin sa Diyos, Allah o sinumang Diyos na iyong pinaniniwalaan.
Linangin natin ang katangian na gawin ang tama. Narito ang mga slogan na naghihikayat na gawin ang tama.
Mga Slogan na Naghihikayat na Gawin ang Tama
- Gawin ang Tama, Wag ang Ikasasama.
- Wag magdusa, Gawin ang Tama.
- Sa Paggawa ng Tama, Buhay ay Giginhawa
- Sa Paggawa ng Masama, Buhay ay nasasadlak sa Sakuna.
- Kung naghahasik ka ng mabuti, Aanihin mo ay mabuti.
- Kung naghahasik ka ng masama, Aanihin mo ay masama.
- Wag maging Sablay, Gawin ang Tama para sa Ikatatagumpay.
- Gawin ang Tama, Upang mga Biyaya ay Sumagana.
- Sa Paggawa nang Tama, Nakalaa'y mga Biyaya. Sa Paggawa nang Masama, Nakalaan nama'y mga Sakuna.
- Wag Pamarisan ang Gumagawa ng Kasamaan.
- Gawin mo ang Tama, Babalik sa Iyo'y Magandang Karma.
- Nakasisiya kay Mama at Papa, Ang Paggawa nang Tama.
- Wag mainggit sa mga Gumagawa ng Masama, Naghihintay sa kanila'y Maraming Sakuna at Pagdurusa.
- Ang gumagawa ng tama, Malalayo sa sakuna.
- Ang tama'y gawin, Nang sa buhay ay pagpapalain.
- "Dito isusulat ang iyong slogan." - dito naman ang iyong pangalan.
Ilalagay namin ang iyong slogan sa listahan sa itaas kasama ang iyong pangalan bilang may-akda. - https://www.affordablecebu.com/