2. Nasa palaruan ang mga bata.Panaguri (predicate)Ito ang bahagi ng pangungusap kung saan tinutukoy nito ang simuno (kung ano ang tungkol dito o kung ano ang ginagawa nito).Halimbawa:1. Bumibili si Anton ng damit para sa kanyang ama.2. Napagod sa paglalaba si Anne.Uri ng pangungusap ayon sa gamitPasalaysay (declarative) – nagsasalaysay o nagkukuwento ang mga pangungusap na pasalaysay. Nagtatapos sa tuldok (.) ang mga pangungusap na ito.Halimbawa: Iba’t ibang kulay ang ibon sa aming lugar.
Patanong (interrogative) – ang patanong ay ang mga pangungusap na nagtatanong. Tandang pananong (?) ang ginagamit sa hulihan nito.Halimbawa: Saan maaaring mangitlog ang mga lamok?Pautos (imperative) – ito ay mga pangungusap na nag-uutos na gawin ang isang bagay. Ginagamitan ito ng bantas na tuldok (.)Halimbawa: Gumawa ka na ng takdang-aralin mo.Pakiusap – ito ay tulad din ng nag-uutos subalit may halong pakiusap. Ito ay ginagamitan ng mga salitaang maaari ba, pwede ba, o katagang paki-. Sa tuldok o pananong din nagtatapos ang pangungusap na pakiusap.Halimbawa: Pakisara naman ng pintuan, Leo.Padamdam (exclamatory) – nagsasaad ito ng matinding damdamin tulad ng takot, pagkagulat, galit, at iba pa. Ginagamitan naman ito ng bantas na padamdam (!)Halimbawa: Naku! Nasusunog ang bahay!Uri ng pangungusap ayon sa ayosKaraniwan – nasa karaniwang ayos ang pangungusap kung ang panaguri ay nauuna sa simuno.Halimbawa:Bumili ng bagong sasakyan si Juan.
Sasali sa paligsahan si Maria.Di-karaniwan – ang pangungusap ay nasa di-karaniwang ayos kung ang simuno ay nauuna sa panaguri.Halimbawa:Si Juan ay bumili ng bagong sasakyan.Si Maria ay sasali sa paligsahan.What’s your Reaction?+1 9+1 4+1 2+1 5+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/