Gusto ko pong sampahan ng kasong cyberlibel ang mga kapitbahay ko na nagkalat ng paninira laban sa akin sa Facebook ngunit may nakapagsabi sa akin na kailangan daw munang dumaan sa barangay ang mga magsasampa ng kaso upang bigyan ng pagkakataong makapag-ayos ang mga partido.
Kailangan ko pa po ba talagang dumaan sa barangay? Wala kasi akong tiwalang magiging patas ang opisyal sa lugar namin dahil kamag-anak nila ang mga plano kong sampahan ng kaso. —Lheny
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-Instream_Video'); });
Dear Lheny,
Hindi lahat ng kaso ay kailangang dumaan sa bara-ngay bago ito maisampa. Nakasaad sa Section 408 ng Local Government Code na hindi saklaw ng Lupong Tagamapayapa ng isang barangay ang mga kasong may kinalaman sa mga krimeng may parusang aabot ng higit sa isang (1) taon na pagkakakulong o multa na hihigit sa limang libong (P5,000) piso.
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-MREC_Article'); });
Malinaw na hindi mo na kailangang dumaan sa barangay at kumuha ng Certificate to File Action dahil nakalagay sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 na ang cyberlibel ay pinaparusahan ng pagkakakulong na naglalaro mula sa anim (6) na buwan at isang araw hanggang anim (6) na taong pagkakakulong at pagmumulta ng 200 hanggang 6,000 pesos.
Dahil ang maximum na maaring ipataw sa isang mahahatulan ng guilty sa salang cyberlibel ay anim (6) na taon at multang aabot ng anim na libong (P6,000) piso ay hindi na ito sakop ng katarungang pambarangay at maari ka nang dumiretso sa piskalya sa inyong lugar upang doon mo na mismo ihain ang iyong reklamo." - https://www.affordablecebu.com/