Home » Articles » Legal Advice

Hindi pagbibigay ng Christmas bonus, labag ba sa batas?

Hindi pagbibigay ng Christmas bonus, labag ba sa batas?
"Dear Attorney,

Inanunsiyo po ng management sa aming kompanya na wala kaming matatanggap na Christmas bonus dahil hindi raw naging maganda ang takbo ng negosyo ngayong taon. Gusto ko lang po sanang itanong kung hindi ba ito ipinagbabawal sa batas dahil ang alam ko, dapat nagbibigay ng Christmas bonus taun-taon. --Romeo

Dear Romeo,

Hindi malinaw sa tanong mo kung 13th month pay o talagang bonus ang tinutukoy mo sa iyong tanong. May pinagkaiba kasi ang dalawa.

Ang 13th month pay ay ibinibigay sa lahat ng empleyado alinsunod sa Presidential Decree (PD) No. 851. Sa ilalim ng nasabing batas, required ang lahat ng employers na bigyan ng 13th month pay ang lahat ng kanilang mga empleyado na nakapagtrabaho para sa kanila ng hindi bababa sa isang buwan.

Ang 13th month pay na ito ay katumbas ng 1/12 ng kabuuang sahod na natanggap nila ng nakaraang taon at dapat ay matanggap nila ito ng hindi lalampas ng December 24.

Marami ang nag-aakalang ang 13th month pay ay isang uri ng bonus ngunit katulad ng nabanggit, ipinag-uutos ng batas ang pagbibibigay nito sa lahat ng empleyado kaya hindi ito matatawag na “bonus”. Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Manila Banking Corporation v. NLRC (G.R. No. 107487, 29 September 1997), ang “bonus” ay ibinibigay lamang bunsod ng pagiging mapagbigay o dahil sa kagandahang-loob ng kompanya. Dagdag lamang ito sa karaniwang sahod kaya hindi puwedeng obligahin ang employer sa pagbibigay nito. Base sa depinisyon na ito, ang 13th month pay ay hindi isang bonus dahil inoobliga ng batas ang pagbibigay nito.

Kung 13th month pay ang tinutukoy mong bonus ay labag ito sa batas dahil obligasyon nga ng employer ang pagbibigay nito taun-taon. Pero kung ang tinutukoy mo namang bonus na hindi maibibigay ngayong taon ay talagang bonus at hindi ang 13th month pay ay hindi naman labag sa batas ang hindi pagbibigay nito sa inyo puwera na lang kung naging taun-taon na ang pagbibigay nito na naging isa na siyang regular na benepisyo. Sa ganoong sitwasyon ay maari n’yong ireklamo ng “Diminution of Benefits” o pagbabawas ng benepisyo ang inyong employer.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na legal advice dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maa­ring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Hindi pagbibigay ng Christmas bonus, labag ba sa batas?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 608 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Urdnpi [Entry]

brand atorvastatin 20mg <a href="https://lipiws.top/">atorvastatin 10mg pills</a> atorvastatin us