Home » Articles » Legal Advice

Isinanlang hindi natubos, mapupunta ba kaagad sa nagpautang?

Isinanlang hindi natubos, mapupunta ba kaagad sa nagpautang?
"Dear Attorney,

Umutang po ako sa isang kakilala ko ng malaking halaga at ginamit ko po bilang kolateral ang maliit na apartment na nasa pa­ngalan ko. Ang napagkasunduan po namin ng inutangan ko ay maari niyang tirhan o iparenta sa iba ang apartment pansamantala at kung hindi ako makabayad ay tuluyan nang malilipat sa kanya ang pag-aari nito.

Nahuli po ang pagbabayad ko ng installment noong isang buwan. Ngayon po ay ibinibigay ko na sa kanya ang na-delay na installment ngunit ayaw na niya itong tanggapin sa kadahilanang huli na raw ako sa pagbabayad kaya sa kanya na raw ang apartment.


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-Instream_Video'); });



Tama po ba siya na sa kanya na talaga ang apartment at kung ganoon man, may magagawa pa po ba ako upang mabawi ito?

—Mike


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-MREC_Article'); });



Dear Mike,

Ayon sa Article 2088 ng ating Civil Code na “[t]he creditor­ cannot appropriate the things given by way of pledge or mortgage, or dispose of them. Any stipulation to the contrary is null and void.” 

Ang ibig sabihin nito ay hindi maaring kamkamin o angkinin ng isang creditor o nagpautang ang ari-ariang ibinigay bilang kolateral sakaling hindi makabayad ang umutang at anumang kasunduan na salungat sa pagbabawal na ito ay walang bisa.

Ang tawag sa kasunduang ito na ipinagbabawal ng batas ay pactum commissorium at ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Spouses Roberto and Adelaida Pen v Spouses Santos and Linda Julian (G.R. No. 160408, January 11, 2016) ang isang kasunduan ay matatawag na isang pactum commissorium kung taglay nito ang dalawang elemento: una, ang paggamit sa isang ari-arian bilang kolateral para sa pagbabayad ng isang obligasyon at pangalawa, ang pagkakaroon nito ng probisyon kung saan awto­­matikong malilipat sa nagpautang ang ari-arian na ginamit bilang kolateral sakaling hindi mabayaran ang obligasyon.

Malinaw na isang pactum commissorium ang inyong napag­kasunduan dahil ang apartment mo na ginamit mong kolateral ay awtomatikong mapupunta sa nagpautang sa iyo sakaling hindi ka makabayad. Ipinagbabawal ito ng batas at walang bisa ang probisyong ito ng inyong kasunduan.

Sa madaling sabi ay hindi pa pagmamay-ari ng nagpa­utang sa iyo ang apartment na ipinangkolateral mo. Hindi naman ibig sabihin nito ay hindi mo na kailangang bayaran ang utang mo. Mas magandang kung kakausapin mo na muna ang nagpautang sa iyo, ipaliwanag na hindi pa niya pagmamay-ari ang apartment dahil ipinagbabawal ito sa batas, at sabihing handa ka na namang bayaran ang utang mo." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Isinanlang hindi natubos, mapupunta ba kaagad sa nagpautang?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 509 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0