Home » Articles » Legal Advice

Makukulong ba dahil sa hindi pagbabayad ng renta?

Makukulong ba dahil sa hindi pagbabayad ng renta?
"Dear Attorney,

Maaari bang kasuhan ng concubinage ang asawa ng pinsan ko na nakabuntis ng ibang babae? —Rina

Dear Rina,




Ang concubinage ay isang krimen na pinaparusahan sa ilalim ng ating Revised Penal Code. Ang isang lalaking may-asawa ay mapaparusahan para sa krimen ng concubinage kung (1) ibinahay niya ang kanyang kabit sa tahanan nila ng kanyang asawa; (2) nagkaroon siya ng sekswal na relasyon na masasabing eskandaloso; o (3) ibinahay niya ang kanyang kabit sa ibang bahay at nagpakilala o namuhay sila bilang mag-asawa.

Mapapansin mo na wala sa mga nabanggit na elemento ng concubinage ang pagkakaroon ng anak sa ibang babae kaya kung ang pagbabasehan lamang ay ang iyong tanong ay hindi kaagad masasabi kung maaari bang kasuhan ang asawa ng pinsan mo ng concubinage. Hindi maaaring ang pagkakaroon niya ng anak sa ibang babae ang tanging ebidensya n’yo kung kayo ay maghahain ng reklamo para sa salang concubinage.




Kailangan n’yo pa rin ng ibang pruweba na patungkol sa mga aktwal na elemento ng concubinage katulad ng mga litrato o testimonya na magsasabing ibinabahay niya ang kanyang kabit o nakipagtalik siya rito sa maeskandalosong pamamaraan.

Hindi naman ibig sabihin nito na wala nang maaaring isampang kaso laban sa asawa ng pinsan mo. Maaari n’yo siyang sampahan ng kriminal na kaso sa ilalim ng Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act  para sa psychological violence na dulot ng kanyang pakiki-pagrelasyon sa iba." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Makukulong ba dahil sa hindi pagbabayad ng renta?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 826 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Rtjiwx [Entry]

buy lipitor 20mg generic <a href="https://lipiws.top/">purchase atorvastatin</a> cost atorvastatin 20mg