Layunin ng Seminar-Worksyap na matulungan ang mga nagtataguyod at nagtuturo ng wikang Filipino sa buong bansa na maibahagi ang mga makabagong kaalaman at kasanayan sa pagtuturo ng Filipino.
Ang mga aanyayahang dadalo ay ang mga kaguruan at nagtuturo ng Filipino sa Mataas na antas ng Edukasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa at gayun din inaanyayahan ang lahat ng propesor, puno ng kagawarang Filipino, tagapangulo, pamunuan, dekano ng mga kolehiyo at pamantasan, mag-aaral at sa lahat ng nagnanais dumalo sa seminar-worksyap na ito sapagkat ang pangunahing tatalakayin dito ay may malaking kaugnayan sa ating wikang pambansang Filipino na siyang pangunahing kasangkapan sa ating pag-unlad.
Ang pagdalo ng mga mag-aaral na mula sa pampubliko at pribadong paaralan ay dapat naaayon sa isinasaad na no-disruption-of-classes policy na halaw sa DepEd Order No. 9, s. 2005 na may pamagat na Instituting Measures to Increase Engaged Time-on-Task and Ensuring Compliance Therewith.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring tumawag at makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
- https://www.affordablecebu.com/Dr. Myrna L. CalamianDirektor ng SeminarMobile Phone Blg.: 0938-276-9559/0915-350-1633Prop. Amaceta S. RealChairman ng KagawaranMobile Phone Blg.: 0926-296-0 135