Halimbawa 1:
Wikang Filipino Laging Gamitin
Habang ang karunungan ng tao,Laging nagbabago at papalago
Bawat pagkakataon wag sayangin
Wikang Filipino gamitin natin
Pamana ng ating lahi
Kayamanan ng bawat lipi
Wikang Filipino nagbibigkis
ng pag-iisang diwa at kulturang ubod ng tamis
Sa pagtuklas ng kaalaman
Lalo na sa matematika at agham
Gawing wika ng saliksik Wikang Filipino natin
Upang liwanag ng kulturang Filipino lalong magniningning
-- WAKAS --
Halimbawa 2:
Wikang Filipino Pag-ibayuhin sa Makabagong Panahon
Sa paglipas ng panahonKarunungan ng tao'y umuunlad at umuusbong
Kaakibat nito ang paglago ng wika
Lalo na ang Wikang Filipino na siya nating salita
May nadaragdag, may nawawala
Pero mas marami ang unti-unting nawawala
May nadaragdag pero kalimitan
Salitang Ingles na hiram
Natatakot ako baka Wikang Filipino
Ay mapuno ng Wikang Kano
At nahihiya kang sabihin
Ang wikang sariling atin
Kaya tayong mga Filipino
Pag-ibayuhin wikang Filipino
Gawin itong wika ng saliksik
Ma-agham, matematika, o anumang bunga ng pag-iisip
Sa sarili mo itanong ito:
Nasaan ba ang pagkakilanlan ng iyong tunay na pagka-Filipino
Kung salita moy salitang Kano?
Wala kang kaibahan sa nagdadamit-tupa na lobo
Kung ikinakahiya mo ang Wikang Filipino!
-- WAKAS --
Halimbawa 3:
Wikang Kinagisnan Wag Palitan ng Wikang Dayuhan
Simula ng pagtungtong mo sa daigdigWika'y nakatatak na sa iyong isip,
Inang pinagmamasdan ang iyong bibig
Sa unang salitang iyong iniihip.
Kaya't ito'y dapat mong iniibig
Sapagkat simula bata ito'y iyong kalakip,
Mga salitang lumalabas sa iyong bibig
Ay nanggaling sa iyong pagiisip.
Wikang kinagisnan simula pagkabata
Ay siya ring kasama hanggang pagtanda,
Ngunit sa pagkakataong ito tao'y nagbago
Wikang kinagisnan ay siya ring binabago.
Sa iyong pagiging moderno
Wikang kinagisna'y siyang lumalaon,
Kasabay nama'y pagusbong ng wikang makabago
Wikang makabagong sinang-ayunan ng lupon.
Sa karamihan ng wika'y tila 'di nakuntento
Wikang cono, jejemon at bekimon ay siyang inimbento,
Kanilang dahila'y upang magkaroon ng pagkapribado
Kaya pati wika'y siya na ring binabago.
Sa patuloy na pagtanda ng iyong buhay
Ang ibang wikang kinagisnan ay namamatay,
Habang sa pagunlad ng bansa't wika ngayon
Ang mga nakaraan ay mahirap nang ibangon.
-- WAKAS --
Halimbawa 4:
Wikang Filipino Para sa Magandang Pagbabago
Wikang Filipino na sumasabay sa alonUnti-unting umuusbong mula uga't hanggang dahon
Habang ang panahon ay patuloy na naglalaon
Sa ating utak at natatabunan at bumabaon.
Wika ngayon ay pabagu-bago
Dahil sa pagdaan ng modernong panahon
Wikang unti unti ng nadaragdagan
Mga salitang kaaya-ayang pakinggan.
Kung nais ay pagbabago
Gamitin ang wikang mapagbago
Isang sangkap at instrumento
Nating mga pilipino.
Wikang Filipino, wikang mapagbago
Tulong sa ating bansa upang umasenso
Wikang Filipino, tulay sa pagbabago
Ating pagusbungin at pagyamanin ito.
Wikang Filipino, paunlarin wag kalimutan
Dapat ito'y tunay na pag-ingatan
Kung sa wikang Filipino nakamit ang kasarinlan
Ito rin ang makakatulong sa pag-ahon ng bayan.
Mga bagong wika, kakaibang salita
Ngayo'y mas tinatangkilik ng masa
Ngunit laging pakatandaan
Unang salita ay parte ng kasaysayan.
-- WAKAS --
Halimbawa 5:
Wikang Pinagmulan Tula
“Eow, muzta ka nah?”“Otw na ‘ko”, wika pa ng isa
Ilan lamang sa mga salitang maririnig sa masa
Mga salitang talaga namang kakaiba
Mga salitang dala ng panahon
Mga Wikang umusbong sa bagong henerasyon
Ito’y nagsusulputan sa bawat taon
Sinasalita ng mga tao dito’t doon
“Jirirts”, “Imbyerna”, “Keri pa ba?”
Mga Salitang hindi maintindihan ni lola
Dahil ang mga ito ay kakaiba
At hindi nakagisnan ng mga taong nauna
Ano na nga ba ang nangyari sa ating lipunan?
Tila lahat ay gusto ng mabilisan
Kung ikaw ay mabagal, ika’y mapag-iiwanan
Kaya’t walang magawa kundi makipagsabayan
Jeje Languange, Gay Lingo, at iba pa
Mga nagsulputang Lengwahe na naiiba
mga makabagong wikang sinasalita nila
ano nga ba ang mabuting naidudulot sa kanila?
Sa paglipas ng panahon, pagbabago ay kailangan
Maging sa wika na ating kinagisnan
Ngunit sana ay huwag nating kalimutan
Wikang Pilipino parin ang kanilang pinagmulan
-- WAKAS --
Pamagat ng Tula
- sinulat ni Ang iyong PangalanTula mo dito ilalagay.
Tula mo dito ilalagay.
Tula mo dito ilalagay.
Baka meron kayong sarili niyong gawa na tula? Pwede niyong ipost ito sa comment sa ibaba at isasama namin ito sa listahan sa itaas kasama ang iyong pangalan. - https://www.affordablecebu.com/