Bawat klase ay may kani-kaniyang kaukulan o bahaging ginagampanan sa mundong ito.
Nilikha tayo bilang tao na may iba't ibang katangian at katungkulang ginagampanan.
Marapat lang na igalang ang mga katangian ito.
Sa paggalang sa mga katangiang ito, nirerespeto natin ang dignidad ng tao bilang siya na may tungkuling ginagampanan sa mundong ito.
Ganyan ang kalikasan. May araw, may gabi, may ulan, may init. Iba't ibang tungkulin ang ginagampanan.
Kaya halina't ating pahalagahan ang paggalang o pag-respeto sa dignidad ng tao sa pamamagitan ng paggawa ng mga slogan.
Mga Slogan Tungkol sa Respeto sa Dignidad ng Tao
- Ikaw at ako, Iba't ibang anyo, kulay, kaalaman at kakayahan. Pero bawat isa may tungkuling ginagampanan sa kalikasan.
- Pag nirespeto mo ang dignidad ng ibang tao, para mo na ring nirerespeto ang sarili mong pagkatao.
- Maging maingat sa damdamin ng iba, gaya ng pag-iingat nila sa damdamin mo.
- Kung paano mo ginagalang ang sarili mo, gayundin galangin ang ibang tao.
- Kutyain mo ang kahirapan at kamangmangan ng iba, para mo na ring kinukutya ang sarili mong kaluluwa.
- Ang kahinaan mo ay kalakasan ng iba. Kaya igalang mo kung ano man ang kahinaang iyong nakikita sa kanila.
- Bago mo pahirin ang dungis ng iyong kapwa, hugasan mo muna ang putik sa iyong mukha.
- Mayaman o mahirap ka man, ang dignidad ng bawat isa ay igalang.
- Wag mong ipagmayabang kung ano ang meron ka, dahil meron mga mahahalagang bagay ang iba na wala sa iyo.
- Tandaan lage ang karma, upang maging maingat sa dignidad ng iba.
- Igalang mo ang sinumang tao, dahil hindi mo alam na mas mahaba pala ang buhay nila kaysa sa iyo.
- Igalang mo ang iba, dahil hindi mo alam baka mas mayaman siya kaysa sa iyo.
- Hindi sa damit nakikita ang tunay na dignidad. Nasa puso nakikita ang totoong dignidad.
- Mag-ingat sa salita at gawa. Nang hindi makasagasa ng dignidad ng iba.
- Purihin ang dapat purihin. Sawayin ang dapat sawayin. Pero wag kutyain o hiyain ang tao na sa tingin mo mababa sa lipunan.