(tula ni Khen)
Pilipino saan ka man sa mundo
Anuman ang inyong etniko
Nakatira ka man sa alinmang pulo
Pinagkakaisa tayo ng wikang Filipino
Sa ating bansa pinamumunuan tayo ng ating butihing pangulo
Upang sa mga desisyon natin ay magkaisa tayo
Sa pagpapaunlad at pagpapatakbo sa bansang ito
Kaya layunin ng pangulo ating isapuso
Ayon sa pangulo, "wika natin ang daang matuwid"
Ito ang magiging sandata upang labanan ang mga taong ganid
Sa lipunan at sa pamahalaan ito'y magsisilbing tabak
Upang supilin ang mga taong may masamang hangad
Makipot man ang daan patungo sa katwiran
Mahirap man sa karamihan na sundin ang kabutihan
Kung gawin nating wika ang daang matuwid
Pagkakaisa, pag-unlad at kaligayahan naman ang siyang hatid
--- wakas ---
Oh! Ano? Nabuksan na ba ang pintuan ng inyong imahinasyon upang gumawa ng tula? Maaari rin kayong gumawa ng inyo-inyung sariling tula. I-popost namin ang inyong tula dito at idadagdag sa tulang nakasulat sa itaas. Ipost niyo lang ang inyong tula sa comment sa ibaba. Isusulat din namin ang inyong pangalan bilang may-akda o manunula ng tula.
Umpisahan na ang paggawa ng tula tungkol sa Wikang Filipino!
- https://www.affordablecebu.com/