Home » Articles » Literature

Sanaysay Tungkol sa mga Guro (2nd)

Narito ang isang essay o sanaysay tungkol sa mga Guro na sinulat ng di kilalang manunulat:

Sanaysay tungkol sa mga Guro (2nd)

 

Pamagat: "Kayo ang Dahilan"

Binabati ko kayo. Kayong mga nilalalang na nagpakahirap upang maabot ang mga pangarap.Mga pangarap na unti-unting aabutin at susungkitin sa pagdaan ng panahon.

Binabati ko kayo. Kayong mga nagpatulo ng pawis upang makita ang liwanag sa gitna ng dilim. Mga liwanag na maaaring mabasag sa katanghalian ng buhay.

Binabati ko kayo. Kayong mga nagsakripisyo sa araw at gabi para sa kinabukasan ng bansa. Mga kinabukasang iuukit sa mga pahina ng aklat ng buhay.

Binabati ko kayo. Kayong mga nagpalakas upang maitayo ang mga tulay na daraanan sa bagong kabanata.

Binabati ko kayo. Kayong mga nag-ukol ng panahon sa mga asignatura upang mailaman sa nakukultang utak. Mga utak na nasasakop ng alinlangan at panghihina sa mga dagok at pagsubok ng apoy.

Binabati ko kayo. Kayong mga nagbinhi ng mga mabubuting pananim upang baunin sa paglalakbay sa balintunang mundo. Mga paglalakbay na hindi mawawari hangga’t hindi natatalunton.

Binabati ko kayo! Kayong mga GURO ng mga mag-aaral.

Sa inyo dapat iukol ang pasasalamat at pagdakila!

Sapagkat hindi namin maaabot ang mga pangarap kung hindi ninyo kami pinasan upang tumaas.

Kayong mga guro ang siya naming ginawang hagdan upang makita ang tagumpay…

Kayong mga guro na nagtitinda ng tocino at longganisa, mani at kendi, bra at panty, sapatos at tsinelas, bukayo at panutsa, RTW at leche flan, ipit sa buhok at hanger, Avon at Saralee, daing na bangus at danggit para maipandagdag sa kakarampot na suweldong hindi maitaas-taas at binabawasan pa ng mga kurakot na lider ng bansa. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Sanaysay Tungkol sa mga Guro (2nd)" was written by Mary under the Literature category. It has been read 4251 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 13 March 2021.
Total comments : 0