Tag-ulan na, panahon na naman na gamitin ang ating kapote at payong. Ngunit hindi lamang ito ang lumalabas tuwing umuulan.
Kasama rin nito ang mga sakit na maaari nating makuha.
Ayon kay DOH spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, mga WILD ang mga karamdaman maaaring makuha sa panahon ng tag-ulan. Ibig sabihin ng WILD: Waterborne infections, Influenza, Leptospirosis at Dengue.
Ang waterborne infections ay galing sa kontaminadong tubig na may pathogenic microorganisms.
Halimbawa nito ay ang diarrhea o abnormal na pagdudumi na maaaring magdulot ng dehydration.
Isa pa sa mga laganap na sakit ay flu o trangkaso. Paalala ni Suy "May mga bakuna na ipinamimigay at pwedeng ipareseta sa inyong mga doktor na mapoproteksyunan tayo laban sa flu, ngunit may kamahalan ito."
Ang leptospirosis ay kailangan ding bantayan dahil sa mga pagbaha tuwing umuulan.
Mas madali itong makuha sa ganitong panahon lalo na't karamihan sa ating ay nasa langsangan araw-araw.
Pahyag ulit ni Dr. Suy, "Tumataas din ang kaso ng dengue sa tag-ulan dala ng dumadami ang mga lugar na pinapamahayan ng mga lamok".
Binigyang-importansya ni Suy na magpatingin sa doktor kapag may kakaibang nararamdaman sa katawan.
Sabihin sa inyong mga doktor ang lahat ng impormasyon na kailangan upang madaling malapatan ang iyong sakit.
Lahat ng sakit ay mabilis na nagagamot kung tayo ay maagap.
Hindi man lahat ay kayang gamutin ngunit napapahina rin.
Inaalalahanan tayo ay magiging mapagmatyag, alerto, masunurin at maingat sa kalusugan. - https://www.affordablecebu.com/