Sabi ng iba, "Hindi ba't ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat? Eh di kayang niyang likhain ang mundo sa loob lamang ng isang segundo o isang minuto, o isang oras o isang araw".
Ilang araw nga ba nilikha ng Diyos ang mundo?
Answer
Ayon sa mga Kristiyano, nilikha ng Diyos ang mundo sa loob ng anim na araw (6 days).Paano natin nalalaman na nilikha ng Diyos ang mundo sa loob ng anim na araw?
Ito daw ay nakasulat sa tinatawag nilang Bibliya sa Genesis 1:1-31.
Lahat ng bagay natapos ng Diyos na likhain sa ikaanim na araw (6th day).
Kaya anim na araw lahat nilikha ng Diyos ang mundo.
Maaaring sabihin mo, "Di ba may pitong araw sa loob ng isang linggo? Ano naman ang nangyari sa ikapitong araw noong panahon ng paglikha ng Diyos sa mundo?"
Nung ikapitong araw (7th day), sabi sa Bibliya, namahinga ang Diyos. Ibig sabihin wala ng ginawa ang Diyos at natapos na niyang likhain ang mundo sa ikaanim na araw.
Kaya sa ikapitong araw, namahinga na lang ang Diyos.
Meron ka pa bang gustong itanong tungkol sa Bibliya? Pwede kang magtanong o magbahagi ng iyong opinyon sa comment sa ibaba.
- https://www.affordablecebu.com/